Share ko lang po

Hi mga momsie gusto ko lang ishare 27 days old palang po baby ko. Growthspurt stage po ata nya. Breastfeed po sya. Sobrang nakakapagod at puyat parang sasabog na utak ko 🥺🥺 pag binababa na si baby after dede naiyak agad gusto ata nya lagi hinehele at lagi hanap dede ko di ko naman sya madalas kargahin sa pag papadede ko lang sya kandong.. tapos sasabihin ng byanan kong babae sinanay ko daw kasi sa karga kwinento ko sa asawa ko yung save ng nanay nya tama naman daw nanay nya hayaan ko lang daw umiyak pag naiyak anak ko .. ewan ko pospartum stage din ata ako naiisip ko kung buhay nanay ko siguro andun kami samin inaalalayan ng mama ko kahit papaano namiss ko din mama ko ❤️ share ko lang tips din po para di masyado iyakin si baby .. salamat pasyensya ang gulo ng kwento ko 😅😅 ..

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hindi po totoo na nai-spoil ang mga bata sa pagkarga. Kaya po sila umiiyak ay may kailangan sila, whether that's food, change diaper, etc. or simply comfort. And that'll be the case until they learn how to talk and express themselves. In my experience, oo at sinanay ko ang anak ko na kapag gusto nya ng hugs, dede or cuddles ay ibibigay ko agad. Alam ko na kapag umiyak sya, ibig sabihin ay something is wrong. 2yo na sya ngayon at hindi sya iyakin or clingy, on the contrary, very independent at sa saglit lang kapag umiyak. I think it's because very secure sya sa love and attention na ibinibigay namin sa kanya...

Magbasa pa
2y ago

Tulad po ng sabi nyo, possible na growth spurt stage po sya. Kapag naggo-growth spurt, all you can do is give more cuddles and unlimited patience. Imagine nyo lng po tayo during our periods, sobrang discomfort natin (physically, emotionally) dahil sa irregular hormones. Similar din po during baby growth spurts when our baby is undergoing so much changes in their body na hindi rin nila maintindihan ang discomfort na nararamdaman nila. Kaya compassion and patience lang po. Please don't forget to take care of yourself as well *hugs!