Share ko lang po

Hi mga momsie gusto ko lang ishare 27 days old palang po baby ko. Growthspurt stage po ata nya. Breastfeed po sya. Sobrang nakakapagod at puyat parang sasabog na utak ko 🥺🥺 pag binababa na si baby after dede naiyak agad gusto ata nya lagi hinehele at lagi hanap dede ko di ko naman sya madalas kargahin sa pag papadede ko lang sya kandong.. tapos sasabihin ng byanan kong babae sinanay ko daw kasi sa karga kwinento ko sa asawa ko yung save ng nanay nya tama naman daw nanay nya hayaan ko lang daw umiyak pag naiyak anak ko .. ewan ko pospartum stage din ata ako naiisip ko kung buhay nanay ko siguro andun kami samin inaalalayan ng mama ko kahit papaano namiss ko din mama ko ❤️ share ko lang tips din po para di masyado iyakin si baby .. salamat pasyensya ang gulo ng kwento ko 😅😅☺️

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

ganun talaga ang baby. nasa loob sila ng sinapupunan for 9 months in a small warm comfortable space. kaya recommended na nakaswaddle si baby pero mainit naman. lahat ng mommies naexperience yan. pati si hubby ko, salitan kami sa pagpupuyat. dapat kinocomfort ang baby, hindi hinahayaang umiyak. mahihirapang huminga ang bata kapag hinahayaang umiyak, lalong iiyak dahil fussy. binubuhat namin kapag umiyak si baby sa gabi. tatahan kapag nilalakad sia, ayaw niang nakatayo ung nagbubuhat sa kania, hanggang sa makatulog. naka-dim light with low volume na lullaby music. masanay muna sa sleeping pattern ni baby na gising sa gabi. importante ang support system like family, especially ng partner. always pray.

Magbasa pa
1y ago

ang swerte nyo po sa asawa nyo yung sakin kasi mamas boy nag titiis lang tlga ko 😞