Breast Feeding Problem

hello mga momshies. sorry desperate moves na talaga ako. sobrang naiiyak ako kasi kakapanganak ko lang last May 19. sa kagustuhan kong mapabreast feed ang baby ko, nag pump ako sa dede ko, may lumabas naman kaso konti konti lang. pinilit ko. then hanggang sa may lumabas nang dugo. naiyak ako kasi inip0n ko ung kaunting colostrum na un tap0s napatakan pa ng dugo ?? diko alam kng pede kopa na un ipadede sa baby ko kahit ihalo kona lang sa formula milk. any advice po please.. gustong gusto ko talaga mapa breastfeed si baby ??? naiiyak na ako. ??? salamat po. and God bless in advance.

Breast Feeding Problem
54 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

thats normal po. keep hydrated and let your lo latch po or pump until lumabas po at dumami milk mo momsh. sakin in 3days dumami milk ko, what i did e pinasuck ko lang kay baby, pag asleep naman nagpapump ako. then magsabaw sabaw ka po.. and drink more water :)

Padede lng po ng padede mommy everytime humingi si baby, kahit every 10 mins pa yan..heheheh. si baby po ang pinaka expert pagdating sa pag extract ng milk. Ako nga mommy walang na pupump pero si baby may nakukuha naman. Exclusive breastfeeding po ako.

Uminum ng sabaw with shells.yan maka dami ng milk and most of all bawal ma stress para d maka apekto sa supply ng milk..at mag pa latch ka din para ma open ang mga butas sa dede mo..ganun kc ang ginagawa dto sa mga mothers sa hospital..😊

Hindi po maganda magpump sa 1st month kasi nakakaover supply yan, napakaliit lang ng sikmura ng baby di naman nila kakayanin ang sobrang daming milk .. Wag ka po masyado mastress, inom ka malunggay supplements at maraming sabaw ...

VIP Member

Ay momshie dpat po mismong c baby ang dumedede sau pra po ma-stimulate ung oxytocin to produce milk don't worry po it will gradually increase as the time goes by basta continuous breast feeding every 2hrs 😊

VIP Member

naku ganyan din ako momsh..5days old na si baby nung may lumabas sakin..ang problem ko ngayon nasanay na sya sa bottle kaya ayaw nya mag latch sa akin..tyaga lang sa pump diretso bottle bago ko bibigay kay baby..

Post reply image
5y ago

Hi momsh.. ganyan din ako kapanganak ko nag pump na ako as advice kasi inverted nipple po ako. Pump deritso bottle for 10 days pero ngayon unlilatch na cxa sa akin e.offer mo lang kai baby wag mo na e bottle. Sabi ng pedia ko e.offer daw dede natin anytime best time daw is yung hindi iiyak c baby or hindi pa guton. masasanay din cxa sa dede mo.

mag laga ka nang papaya w/chicken ,, yan nakaka dami nang gatas yan , at linagang baka..inom nang madaming sabaw para madami ang gatas na lalabas . yan ang lagi kong ginagawa noong kakapanganak ko palang.

sis kakapanganak ko lang din nung may 19.so far malakas na ung gatas ko ..pakulo ka lang sis ng malunggay tps inomin mo...kada gabe sis..ilang araw lang makkita mo agd ang result😊

Pahilot mo po sa asawa mo yung likod mo na tapat ng breast mo..para lumabas yung gatas..at ipadede mo lang sa baby mo para matulungan ka nyang maglabas ng gatas..πŸ˜‰

Parehas po tayo. Ganyan din po ako noon. πŸ˜” Halos lahat ginawa ko na.halos mabusog nalang ako sa mga sabaw at tubig para lang maggatas, pero wala parin. 😭