Breast Feeding Problem

hello mga momshies. sorry desperate moves na talaga ako. sobrang naiiyak ako kasi kakapanganak ko lang last May 19. sa kagustuhan kong mapabreast feed ang baby ko, nag pump ako sa dede ko, may lumabas naman kaso konti konti lang. pinilit ko. then hanggang sa may lumabas nang dugo. naiyak ako kasi inip0n ko ung kaunting colostrum na un tap0s napatakan pa ng dugo ?? diko alam kng pede kopa na un ipadede sa baby ko kahit ihalo kona lang sa formula milk. any advice po please.. gustong gusto ko talaga mapa breastfeed si baby ??? naiiyak na ako. ??? salamat po. and God bless in advance.

Breast Feeding Problem
54 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung newborn po direct latch lang wag na magpump ksi ang tendency po lalakas ang gatas nyo at baka malunod si baby. Sadya naman pong konti pa lang ang gatas pagkapanganak dahil maliit pa lang ang tummy ni baby. Unli latch lang po. Pag mas madalas ang pagpapadede mas madami ipoproduce na milk ang body mo kasi iisipin ng katawan mo malkas dumede ang anak mo. Unli latch is the key 🥰 kain ka masasabaw na foods. Malunggay tea or capsule. Mga pampagatas na pagkain like tahong. Tapos inom lgi ng water. Hydrate yourself to replenish the liquids na nawawala sayo. 🥰 hope this helps. P.s Wala din akong milk nung nanganak ako at mahina magsuck si baby kaya walang nalabas na gatas sakin. Since ayaw ko ng formula pina ut ot ko kay hubby ayun nagkagatas din. ☺️

Magbasa pa
VIP Member

Hello mommy. Unli latch is the key para dumami ang breastmilk mo. May iba na nagppump ng ganyan kaaga na ang tendency maover supply. Masakit pag na engorged or pag pumaga ang dede. Ang prescribe is after 6 weeks ka magpump. Ayon sa nabasa ko, ung lumalabas sa atin na gatas ay sapat lang sa kung ano ang hingin ni baby sa atin. Basta pag gutom si baby latch mo lang sya.. Dont forget na magburp dpat sya every after feeding. Titigil naman sya ng kusa sa pagdede pag ayaw na nya. Para mas healthy ung gatas na nadede ni baby, inom ka ng more water specially ngaun summer kase super init, mga pagkaing masabaw, fruits and vegetables. Exclusive breastfeeding mommy here for 4months 😊 Hope this helps. Keep safe 💕

Magbasa pa
VIP Member

wala din ako milk for 4days nun, pinadede ko si baby nun sa Nurse na nakaduty kasi sabi ko, naaawa ako kay baby iyak ng iyak, wala xa madede sakin. sakto breastfeeding mom xa. pagkauwi namin from Hospital, wala pa rin ako milk so bumili muna kami ng formula kasi ayokong matuyuan lalamunan niya, after taking Natalac Capsule and eating Tinolang Manok for 2days, nagkamilk na ako paunte unte hanggang sa andami na at sumasakit na boobs ko. ginawa ko din pala yung pag naligo ka, kuha ka tabo, lagyan mo tubig na warm xaka mo ikulog sa dede mo para daw magkamilk. 😁

Magbasa pa
5y ago

10php po isa. 7pcs lang binili ko noon. so, 7days lang ako nagtake then lagi na ako nag uulam ng mga may sabaw . by the way, payatot po ako pero madami ako milk. ❤

best to seek a lactation consultant. Ako nung 4th day ni baby nabigyan ako ng chance na makameet ng lactation consultant & after ng session namin ang dami ko natutunan about breastfeeding. Pumping is not advisable, best to do it around 6 weeks PPT. Yung milk na napump mo ay pwede pa rin ibigay kay baby pero expect na medyo may blood din ang poops ni baby since nakatake siya nung colostrum with blood. Mag hand express ka muna mumsh. Get hydrated (as in 4-5 liters). Also wag ka mai is stress kasi nakaka baba lalo ng supply yun :)

Magbasa pa
5y ago

taga dasmariñas cavite ako, i found a pedia na malapit (tagaytay) for my lo tapos yung asawa niya pedia din & lactation consultant :)

Direct niyo po ipalatch kay baby wag niyo na po ipump, sakin nung nanganak ako nung May 5 wala akong gatas pero pinalatch ko parin sakanya. Until after 2 days dun naman dumami yung gatas ko tumutulo na sa damit ko, tapos kain ka masustansya momsh mga gulay lalo masasabaw like malunggay, tinola ganyan. Take ka din ng moringga na capsule saka mag gatas ka din, ganyan lang po ginawa ko hanggang ngayon. Saka wag niyo na po ipadede yan if may dugo. Yan sana importante yung colostrum, sayang naman.

Magbasa pa

ganyan dn po ako dati sis.. wag po muna kau mag pump kc malakas pressure po kaya dugo na ung lumabas as per my Ob nman po normal lng daw po un ipaunli latch lng daw po kay baby ung dede para lumabas at lumakas na ang daloy ng milk.. think positive dn po na mdami kaung milk saka more sabaw at water po kau try nyo dn po hilot hilutin from leeg hanggang breast nyo po tas hot compress bka po namuo lng ung milk.. dadami dn po yan wag po muna mag pump mapa manual man or electric..

Magbasa pa
VIP Member

Mommy massage your breast and hot compress then inom ka po ng milk or milo. Drink lots of water din po. Ako po personally, 3 months na si LO ko, I'm drinking m2 malunggay, very healthy and super effective! Don't worry po if konti lang milk na napump niyo kasi maliit pa naman po stomach ni baby konting konti lang din need niya every feedings! Wag po kayo magpump muna, ipalatch lang po kay baby para mastimulate ang inyong milk. Kaya mo yan mommy! Para kay baby!

Magbasa pa
Post reply image

Mommy first po huwag mastress.Isipin mo po na magtatagumpay ka din at mapapabreastfeed mo din po si baby.Inom kain lang po ng mga masasabaw na pagkain.Malunggay ang ilagay sa tinola.Inom ng gatas.Yung mother in law ko po ginawa nya hot water at bimpo ilublob po dun at pigaan,tapos dampi dampi ng bahagya sa dibdib nyo po.Hanggang 3 years.old ko po pinadede first baby ko nun.Hanggang sa mabuntis po ulit ako may milk pa din po ako🤗.

Magbasa pa

Sis unli latch lng. Ganun ako kay baby nung kapapanganak via emergency cs. Nung binigay sya samin pinadede ko agad. Titigil ko lng pg tumigil na sya. Tpos tinatanong ng mga nurse lagi sakin kung umihi na sya. once na umihi na sya, may nakuha na syang gatas sayo. Baby ko nun umihi na nung 2 days nya. Mabuti nalang at alam agad n baby ko mag suck sa nipple ko. Tpos tuloy tuloy lng ako sa pagpapalatch sa kanya lalo na pag iiyak.

Magbasa pa

I gave birth din po May 16. Unli latch po ginagawa ko as in palagi ko inooffer boobies ko kay baby khit feeling ko wala sya nadede. I take m2 malunggay din for me effective sya kasi after drinking parang napupuno na breast ko. I have pump din pero i read na dapat at 6 weeks pa magpump para ndi naman magkaproblem sa oversupply in the future. Mahirap lang talaga unlilatch kasi saa una parang wala na talaga nakukuha si baby

Magbasa pa
5y ago

Tiis lng po sis lalo na hindi pa marunong maglatch ng maayos si lo. Saken nakita ko mismo na may milk na at 3-4 days pero so long as nagwiwi si lo may nakukuha parin sya na milk