manhid na kamay!

Mga momshies, naexperience nyo po ba ang pagmamanhid ng kamay at sobrang sakit na halos di na maclose? Di makabuhat ng kahit anong gamit. ? May recommend po ba kayo pwede gawin para medyo mabawasan ang sakit? Mawawala din kaya to?

30 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Its normal po sissy.. Carpal tunnel syndrome naexperience ko dn po yan mga 23weeks dto sa 2nd baby ko.. iikot ikot nyo lng po exercise nyo po lagi kamay nyo pero wag nyo hahatakin or bugbugin kasi lalo po sasakit.. Lagi nyo lng po pisil pisilin tas ikot2 lng search nyo po sa youtube mga other remedies..

Magbasa pa

Ako po pinagbawalan ng nanay kong matulog ng hapon kasi nakakamanas daw po. At dapat maglakad lakad every early morning and late afternoon. Effective naman po siya. Nung first trimester ko, doon ko natry magmanas kasi lagi akong tulog pag hapon. Pero now na 7months, wala akong nararamdaman.

Ako din mag iisang buwan ng manhid hindi nawawala dito sa kana.,nahirapan ako maghugas ng plato saka maglaba d rin masyado makahawak ng mahigpit, mejo masakit na siya. Tpos itong kaliwang kamay ko prang nakakaramdam na din cmula kahapon gang ngayon, ang hirap pag nagsabay.

Same here momsh especially pag umaga at gabi, minsan wholeday namamanhid, carpal tunnel syndrome normal lng daw sa buntis, gnagawa ko nlalagyan ko nalang ng wrist splint. Pwd nman dw uminom ng vit b or eat fruits rich in potassium

Same here mommy, pero nkkabuhat pa naman ako di nga lang ganun katagal kasi nkkapanghina, sabi ng mader ko normal lang namn daw. Nkakalimutan ko lang sya itanung sa midwife and OB pag may checkup ako

Carpal Tunnel Syndrome mommy, same case tayo buti sayo sa umaga naatake sakin sa gabi at madaling araw. B complex nireseta ni OB pero mawawala naman daw yan after manganak 😊

Ako madalas magising kasi namamanhid yung kamay. Right side lang naman. Tapos hindi na din ako maka grip ng maayos. Dati thumb lang sumasakit sa akin. Ngayon buong kamay na.

Ganyan di ako mommy. Pero sakit ko na kasi before pa ko mabuntis, kulang Lang sa vitamin B. Sabi ng parents ko ibabad ko daw sa maligamgam na tubig na may asin 😊

Normal po po yan carpal tunne same tau kasalukuyang nakararanas nyan sa umaga pag gising d maitupi mga daliri..babalik din lahat sa normal pagkapanganak natin..

VIP Member

Buntis ka po Mommy? Naranasan ko din yan. Kaso sa akin sign na pala ng pagtaas ng BP ko.. So sign sya ng preeclampsia sa akin.. 😣