Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Formula milk
Mga momsh baka may naka experience na po dito na formula milk ang gatas ni baby tapos nung nagpalit na po ng pang 6-12 months pero same brand ng gatas kahit nung new born pa sya, nagtae po ba si baby nyo? Si baby ko kasi natatae po. Normal lang po kaya yun? Tia
Breastpump
Sa mga mommies po na naghahanap ng electric breastpump. Selling po my Doopser breast pump. Good as new pa po.. 1 month ko lang nagamit. Giving up my pumping journey dahil wala na po akong time mag pump. 2,350 po ang price online Selling price po: 1,500 Thank you 😊
38 weeks....
October 10 due date. Mataas pa po ba mga mommies? Stuck po sa 2 cm. Still no pain. 😔
2cm no pain
Question Lang po. 2cm na po kasi ako since nung Saturday, nag pa check ako ng nung Monday pero still 2 cm padin. Thursday na po and wala padin ako nararamdaman na kahit anong pain lagi Lang natigas tyan ko. Normal Lang po ba to? Hindi ba mapapano di baby sa loob? Kaka 38 weeks ko Lang po today Kaya hindi din naman minamadali ng doctor ko. Sa Saturday po ang susunod na balik ko ng doctor. Hopefully tumaas na cm.
Mucus plug
Mucus plug na po ba to mga mommies? Kung mucus plug na po ito mga ilang araw po Kaya bago manganak. Ftm. Thank you po sa mga sasagot.
Xray safe ba sa 3rd trimester
May mga nirequire din po ba dito na mag pa xray ng ob Nila bago manganak? Safe po ba? 36 weeks na po ako, Naka schedule po ako ng xray next week at rapid test Para daw malaman kung may active pneumonia. Salamat po sa sasagot.
Hilot
Hi po. Ask ko Lang. Masama mag pahilot sa likod ang buntis? Sa likod Lang naman kasi lagi din akong nangangalay kapag maghapon nakaupo. Hindi naman po ginalaw Yung tyan ko. Salamat po sa sasagot.
Vitamins
Hi po. Question Lang, ano pong mga vitamins iniinom nyo nung nag 7 months kayo? Sakin kasi obimin at hemarate tab Lang nireseta sakin ng doctor ko simula nung nag 5 months ako, tinanong ko sya kung may need bang idagdag, pero wala naman daw. Curious Lang po. Salamat.
Balakang
Hi po mga mommy. Yung balakang ko po kasi 2 araw na masakit Kaya hirap din ako mag lakad. Normal lang po ba yun?