Private immunization
Hello mga momshies, gusto ko lang makuha mga opinion niu regarding private bakuna to health center kase piling ko sa fam ko at sa iba pang mga tao, namamahalan sila sa bakuna ng baby ko which is true naman pero mas maganda padin po ba sa private o sa health center nalang, kaya private kasi personal doctor ni baby kaya dun narin ang bakuna nia. Ndi naman kami ganun kayaman na tao pero we just want to make sure na complete ang bakuna ni baby at make sure din na mismong doc narin nia magtuturok. Haaaay makiki comfort lang ho ako. Any opinion po sa decision ko? It is okay na private ang bakuna ni baby? O center nalang para wala masabi ibang tao.
Depende po sa Health Center, dito po kasi saamen tuwing Pupunta ako sa Center , pag chichismisan .ako kaya sa Private na kame nagpapabakuna .komo 15yrsold palang ako , makakarating nalang .saaken na Pinagdadaldalan pa nila ako .kasi nga Mayaman pa nga ang tawag .nila saamen .eh kahit di naman kame mayaman .mahirap na din po kasi magtiwala .lalo na ngayon
Magbasa paKung ano yun best na nakikita mo for your baby sundin mo momshie, wala naman problema if sa private kyo magpa bakuna as long as kaya naman ng budget. Been there done that. And wala naman akong naging prob, hindi sakitin ang baby ko kaya hindi ko pinag hinayangan na malaki ang nagastos namin sa immunization ng first baby namin 😊
Magbasa paSi baby ko sis sa center. Same lang din naman ang dosage na binibigay sa center. Ako naman ang reason ko kaya center ang pinili ko kasi like yung booster, rotavirus flu vaccine atbp. sa pedia na yun at yun ang paghahandaan namin. Less gastos kasi mas mahal na yung mga susunod na vaccine ni baby kahit papano nakamenos sa gastos.
Magbasa pakung may budget naman kayo sa private na lang pero kung praktikal kayo, sa center. tyaga lang din talaga pag sa center kasi pipila kayo. check mo muna sa center nyo kung available ba lagi yung mga vaccines. kung laging ubos o walang stock, much better sa private na lang kayo magpavaccine para less hassle.
Magbasa paSa panganay ko yung 3 vaccines nya sa pedia nya pero the rest sa baranggay health center ko na kinuha kasi di na kinaya ng budget namin. Base naman sa experience ko wala namang halos pinagkaiba sa effect. Pero ikaw pa din ang masusunod kung saan ka komportable kung sa pedia or sa health center.
Nagtry ako pabakunahan c baby sa center ung pang 2nd dose nya na 6in1...sa center penta tawag,hindi hiyang c baby namaga ung part na binakunahan and nilagnat sya..sa private d nmn sya nilalagnat at d namamaga,plus sa private na check up pa c baby sa center bakuna lng talaga...yan experience ko.
Kung ano bakuna ibinibigay sa health center at sa private ay pareho lang din. Sa health center kasi funded by the government, yun nga lang matiaga ka pipila, pinag kaiba sa private mismong pedia doctor mo ang mag bibigay / mag inject ng gamot, yun ang ang serbisyo na binabayaran mo plus yung gamot.
May mga vaccine kasi na wala sa center, its better na ipavaccine mo c baby sa pedia nya nung mga vaccine na wala sa center, tpos ung iba sa center na, sabi ng pedia ng baby ko sa pedia kasi branded ung mga vaccine, unlike sa mga center, so its better na rin na sa pedia na ipa vaccine c baby,
Well same lang naman po. Only the brandname lang po. Ang napansin ko lang nun una kasi sa pedia kami never sya nilagnat. Pero sa center nilagnat sya. As per my pedia dahil daw yun sa content nung vaccine. Mas cheaper daw kc yun kaya nilalagnat. Pero yung effect same lang.
Depende sa health center, dito kase samin maayus ang pamamahala. Kaya mas prefer ko health center, mahal ang vaccines sa private pedia. Ang laki ng massave mo. Nag papavaccine lang kme sa private kapag walang available ng kailangan ni baby sa center.