Private immunization

Hello mga momshies, gusto ko lang makuha mga opinion niu regarding private bakuna to health center kase piling ko sa fam ko at sa iba pang mga tao, namamahalan sila sa bakuna ng baby ko which is true naman pero mas maganda padin po ba sa private o sa health center nalang, kaya private kasi personal doctor ni baby kaya dun narin ang bakuna nia. Ndi naman kami ganun kayaman na tao pero we just want to make sure na complete ang bakuna ni baby at make sure din na mismong doc narin nia magtuturok. Haaaay makiki comfort lang ho ako. Any opinion po sa decision ko? It is okay na private ang bakuna ni baby? O center nalang para wala masabi ibang tao.

34 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kung praktikalan momshie, sa center ka nalang. Kasi libre naman. Sa case ko kasi kakalipat lang namin galing Davao at di ko naman kabisado ang mga center dito malapit sa tinitirhan namin. Sa private ako nanganak sa Davao tapos yung pedia ni baby, binigyan lang ako ng baby book at yun na yumg binigay ko sa new pedia nya dito sa Manila. At oo mahal talaga pag private pero nakakasiguro ka naman na safe at namomonitor talaga si baby at palaging available ang mga vaccine na ituturok sa kanya. Maliban nalang kung wala pang budget, di matuturukan si baby. At yung 6-in-1 vaccine nya, hindi nilalagnat si baby di kagaya sa center yung version nila is penta. Nilalagnat talaga mga baby ng kakilala ko. Yung sa pedia visit lang ni baby is 500 tapos yung 6-in-1 at rota is 8000 na. 😪😪😪 Plus next month ulit yung Pneumococcal 5000 na naman. 3 shots pa naman bawat isa. Pero sa awa ng Diyos naman, di sakitin si baby.

Magbasa pa
5y ago

Hehehe naman kami mayaman momshie. Pero yung kay baby talaga ang no.1 priority namin. Lahat halos sa kanya. Tapos yung pagpanganak ko, pinaghandaan lang talaga ng asawa ko. Kaya sa private ako pati lahat ng check ups ko. Kasi sabi nya better safe than sorry. At mas maaalagaan ako. Nung nailabas ko na si baby sabi nya worth it naman lahat ng gastos. Basta para kay baby, hindi naman masasayang ang gastos.

Halos same lang po ang mga vaccines na gamit ng center at private. Pedia namin mas ineencourage na sa center nalang kami pa inject kasi sya narin nagsabi na same din lang.. Ang medyo downside lang sa center is pilahan lagi so mejo exposed si lo sa potential virus/bacteria since di lang pedia pumupunta dun, plus may schedule ang pagtusok ng gamot sakanila. Di yung kung kelan mo gusto pumunta available agad ung gamot.. nararation kasi nila ung gamot.. like 1bottle is good for 10kids ganon depende sa gamot.. Yan lang mga kalaban mo pag sa center magpapa inject. Pero ung protection benefit ng baby sa vaccine same lang whether private or hindi..

Magbasa pa
5y ago

Monthly ang bakuna ni baby ko sa pedia. Diko lang alam sa center ang pagkaka alam ko, ndi.monthly e.

Ang private pedia kasi, BRANDED mga bakuna. Kaya mahal. Like SANOFI na brand etc. And sure ka na, pag sa private pedia ka, well handled ang vaccines ng mga doctor dahil they make sure na naka cold temp talaga. And they only order vaccines sa supplier nila kapag schedule mo na ng bakuna. Sa health center naman, mga generic walang brand. Kaya govt funded. Di ako nagpabakuna sa center kasi nag aalala ako kung naka store ba sa cold temp vaccines nila o baka nailabas na from ref, bago ka pa mabakunahan. Tendency kasi, kapag namatay yung vaccines wala na potency sa loob ng katawan ni baby.

Magbasa pa
5y ago

Swerte niyo momsh! Sa brgy namin wala. Sabi pa, mag abang daw ngayong november baka biglang magpa PCV sila. As usual limited stocks. 😄

Your baby, your choice. Pero highly-recommemded ko mg health center kayo sa mga bakuna na pwede nyong makuha ng libre. Nagstart din kami sa pedia ngpapa immunize, napaso lang kami sa singil na 8k pra sa 2 turok shocked tlga kami sa presyo. Rotavirus at PCV ang 8k na yun. Sad lang kc di man lang hindi muna dinisclosr ng pedia na ganun kamahal ang presyuhan nya. Lumipat kami now ng center. Nalaman ko libre ang PCV sa center. Sa pedia 5k. Ang rotavirus pwdeng iorder sa center at a more affordable price than the 3k na siningil sa amin. Para skin mas practical maghealth center.

Magbasa pa
5y ago

Yes mas mura nga sa center iorder kaya lumipat kami ng center pra sa mga bakuna pero wellness check up sa pedia cyempre tuloy prin

Dipende naman siguro yun sa center kasi may iba na halos wala silang stock like Bcg mahirap kasi. si baby yung bcg nya sa pinag anakan ko na pinaturok then yung the rest sa center na. Okay naman basta pag tuturukan inaask ko kung may nakakalagnat ba tapos pag uwi ko sa bahay hinahot compress ko na agad para di namaga kasi yung second nyang turok di ko hinot compress namaga kinabukasan kaya netong pangatlo na inunahan ko na uli like nung first di naman na sya namaga tas pati paracetamol pinapainom ko agad sya..

Magbasa pa
Super Mum

Hi momsh. Ang baby ko po sa pedia lahat ng bakuna, since malaki naman po ang knikita ni hubby naglalaan po kme ng budget for baby's vaccine kaya kahit mahal atleast panatag kme na si pedia nya ang mismo nagbbgay ng bakuna at d na namin kailangan pumila sa sa center, both families suportado dn na sa pedia ipabakuna si baby. Wala naman problema sa center pero mas prefer tlaga namin sa pedia ni hubby. Wag ka makinig sa ibang tao sis, anak mo yan at kayo naman ang nagbabayad ng bakuna nya.

Magbasa pa
VIP Member

Kung kaya nui mo momsh sa pedia nlng pro kunhmg hnd nmn eh d sa center yan pinag aawayan nmin ni hubby kc gusto nya tlga sa pedia kesa center kc wla aya tiwala kya ung mga nanay ko nmn sabi nya maarte lng daw kme bkt sa pedia pa eh parehas lng dn nmn daw pro ung sa pedia tlga sure ka nun at branded pa compare mo sa health center kc nga free lng sya kumbaga hnd daw branded bt prehas lng. Kya gnawa ko ung sobrang mahal sa center lng like ung pcv13 1shot nagtry kme sa center. And the rest sa pedia na

Magbasa pa
5y ago

Thank you momshie! ❤

Una anak mo yan momshie wala dapat pakialam ang ibang tao diyan kasi kayo naman ang mas nakakaalam kung anong tama para kay baby( well, opinion ko lang naman). kung feeling niyo namamahalan po kayo sa private sa center nalang din po, pero kung kaya naman ituloy niyo nalang sa private. yung baby ko sa private din ever since, mas monitored kasi ni pedia at feeling ko mas safe kung si pedia niya mismo ang magtuturok sa kay baby

Magbasa pa

Okay lang naman na private sis atleast mas monitor si baby kasi wala syang kasabay. Sa center kasi minsan maraming tao tapos pipila ka pa. Afford mo naman e. Syempre we just want the best for our little ones. Hayaan mo na sila haha wala namang masama kung sa center e. Khng sa tingin mo mas best sa private doc, you have the right to choose that besides di ka naman manghihingi sa kanila ng pambayad haha.

Magbasa pa

Private pedia din kami momsh. Kagandahan lang kasi pag sa private pedia si baby aware sya sa lahat kay baby. Like history nya. Esp g6pd + sya. Mga inlaws ko din kasi ayaw din sa center kasi dito sa center namin may naiwanan daw ng karayom sa binakuhan na bata. Natakot sila. Anak mo yan kaya kung ano alam mong makakabuti go lang momsh. Wag mo isipin ibang tao😊

Magbasa pa