Stress
Hi mga momshies! Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob, sobrang stress na po ako 7months preggy na ako wala padin gamit si baby. Wala po work yung partner ko pero nagkakapera naman sya sa sideline at mga tinitinda nya pero wala padin ipon, palagi nyang pinapamuka sakin na wala akong pera, sinasabihan nya ko ng mukang pera. Gustong gusto ko na umuwi samin pero nahihiya ako kay mama dahil sa gastusin. ππ Gustong gusto ko po magwork kaso sabi ng manager ko wag muna daw ako bumalik dahil delikado pa. Pls help naman po.

Nakakastress talaga lalo na ngayon may pandemic lalo na mga buntis bawal lumabas bawal magtrabaho kaya si partner talaga ang aasahan sa mga gastosin kakayanin natin to sitwasyon na nangyayari stin nung una dami ko din iniisip naiiyak nalang ako pero nung sinabi ko sa partner ko na dami ko iniisip at naiiyak ako sa mga nangyayari sabi niya kaya ntin to kaya thankful din ako sa partner ko positive lagi nasa isip nya nakakahawa lang yung pagiging positive niya kaya ganun na rin lagi nasa isip ko na kaya nmin to at sa baby ko kinakausap ko na sisikapin nmin maibigay yung mga gamit na kailangan niya basta may magamit lang siya lalo kase nakakastress kung yung partner mo is negative lagi iniisip pinapalala pa yung problema
Magbasa pa

