Breastmilk

Mga momshie pahelp naman. Stress na ko, feb 27 ako nanganak hanggang ngayon ang hina ng milk ko. Nainom naman ako malunggay na pinkuluan tapos maligamgam na tubig lagi pero minsan di ko talaga maiwasan kapag sobrang init nakain ako halo halo or inom ng softdrinks. Sobrang hina ng milk ko pag magpapump ako 2oz lang nakukuha ko minsan 1oz lang si LO ko nagwawala na kase pinipilit ko syang sakin magdede dahil may nabasa ako unli latch lang daw pero nagwawala na sya then tinry ko magtimpla ng milk yung 2oz na milk formula sa gutom nya ata wala pang 5minutes naubos nya then tinimplahan ko sya ulet ganun din ulet. Gustong gusto ko talaga mag ebf kaso nahihirapan talaga ako kase naawa ako may baby pag naiyak na. Yung nipple ko nga pala naurong po pero pag naglatch naman si baby nalabas naman.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako rin mamsh sobrang hina ng gatas ko, nung nag out na kami ng ospital paguwe nmin sa bahay nakatulog baby ko then paggising nya pinadede ko sya tapos umiiyak sya then dede ulet sakin tapos iyak ulet hanggang ayaw na nya dumede. Tapos iyak lang sya ng iyak as in ang tigas na ng pag iyak nya, nagaalala na kami ng mother ko lase 8hrs na sya umiiyak umiidlip lang sya siguro sa pagod ng pag iyak nya tapos gigising iiyak ulet hanggang gabi na. Naisip namin na baka walang nakukuhang gatas sakin kaya ganun umiiyak sya baka gutom na gutom na. Ang ginawa ng mother ko punta sya sa botika at bumili ng s26 one gold then nagtimpla agad paguwe nya. Tapos pinadede namin si baby ayun gutom na gutom sya awang awa ako sa baby ko kase umaga pa lang umiiyak na sya hanggang 11pm. Kundi pa bumili ng gatas ang mother ko d pa titigil ang baby ko. After nya dumede nakatulog na sya ng tuloy tuloy. Hanggang ngayon 1yr and 12 days na baby ko mix feeding sya kase sobrang konte tlga ng nakukuha nyang gatas sakin kht araw arawin ko na kumain ng malunggay at uminom ng madaming tubig at mga sabaw. Parang d nga ako naniniwala sa malunggay, kaya tinutulungan ko na lng ng gatas ang baby ko.

Magbasa pa

Hello ma, as much as possible avoid mo muna magpump. hayaan mo muna mag latch lang si baby sayo kase kahit anung supplements inumin natin and water nakadepende padin sa paglatch ni lo. Mas okay kase ang suck ni lo kesa pumping plus makakatulong siya sa inverted nipples mo. Check mo breastfeeding pinays ma sa fb, madami sila info's that might help.🥰

Magbasa pa