No work si hubby

Hello mga momshie. Need ko lang talaga ng advice. Si hubby kase wala padin work until now. Smula nung nabuntis at sa nanganak ako, wala talaga syang gastos puro ako sumalo lahat since ako lang may work at nagaaral pa sya. May mga nagastos naman sya like pambili ng crib, cabinet ni baby at higaan ko and 4 diapers ni baby pero aside dun wala na talaga. Naka mat leave din ako ngayon kaya yung pera kong naipon si from mat sss ko lang. Nung umuwi yung papa ni hubby last month nagbigay sakin ng 15k pang gastos ni baby feel ko yun na yun. Ewan ko ba kung makapal lang muka netong hubby ko pero parang di sya gumagawa ng paraan para makapag bigay sakin ng pera lalo nat andto din kame nakatira sa bahay namin kaya nagbibigay din ako ng pangkain namin sa mama ko, allowance and pang bili ng gamot ng mama ko. Pag nakakakuha sya ng pera, pinang ffoodtrip nya. Ewan koba di nya ba maisip na magbigay sakin? Mga mamsh tingin nyo ba nakampante sya? Dko alam kung pano ko sya iccomfront kasi pati magulang ko napapansin na yung pagiging batugan nya. Ayoko naman mag away kami kasi madalas ko na syang nasusungitan dahil sa gantong set up namin. 😔😔

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy Ilan taon na ba si hubby kasi nag aaral pa e baka naman bagets pa din kayo Pero nagka anak na.. Pag usapan niyo yan ng hindi nag aaway.. kelangan maging mature kayo both.. hindi lang puro Pag susungit . wala mapapala sa Pag uusap kung mauuna ang misunderstandings.. kelangan mapag usapan niyo na kung nag aaral pa siya pwede naman siya mag working student dami naman ganyan e sa pagtyatyaga ng tao yan.. Pag kasi nagtagal na ganyan malamang sa malamang sayo na talaga siya aasa.. Na ang totoo at mas katanggap tanggap e dapat ang babae ang stay at home lalo na kung maliit pa si baby at ang lalaki magtyaga magwork habang di pa kaya ng babae. Ganyan kasi kami ng asawa ko.. hindi kasi ako pwede magwork muna dahil pareho namin napagdesisyunan na mag hands on mom muna ako at next time na ko balik duty as Nurse Pag malalaki na mga junaks namin.. ngayon si mister ko lang muna nagwowork dalawa pa nga work niya Isa sa office as IT at Isa pang sarili work niya para may sarili income.. ganon kasi e takot kami both mawalan ng ipon at panggastos mahirap umasa sa iba..

Magbasa pa
3y ago

hello mamsh, 24 po kami parehas 🥹