No work si hubby

Hello mga momshie. Need ko lang talaga ng advice. Si hubby kase wala padin work until now. Smula nung nabuntis at sa nanganak ako, wala talaga syang gastos puro ako sumalo lahat since ako lang may work at nagaaral pa sya. May mga nagastos naman sya like pambili ng crib, cabinet ni baby at higaan ko and 4 diapers ni baby pero aside dun wala na talaga. Naka mat leave din ako ngayon kaya yung pera kong naipon si from mat sss ko lang. Nung umuwi yung papa ni hubby last month nagbigay sakin ng 15k pang gastos ni baby feel ko yun na yun. Ewan ko ba kung makapal lang muka netong hubby ko pero parang di sya gumagawa ng paraan para makapag bigay sakin ng pera lalo nat andto din kame nakatira sa bahay namin kaya nagbibigay din ako ng pangkain namin sa mama ko, allowance and pang bili ng gamot ng mama ko. Pag nakakakuha sya ng pera, pinang ffoodtrip nya. Ewan koba di nya ba maisip na magbigay sakin? Mga mamsh tingin nyo ba nakampante sya? Dko alam kung pano ko sya iccomfront kasi pati magulang ko napapansin na yung pagiging batugan nya. Ayoko naman mag away kami kasi madalas ko na syang nasusungitan dahil sa gantong set up namin. 😔😔

39 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

naka rely lang po sya sayo momshie kasi alam nya nagagawan mo paraan finances nyo kaya parang okay lang sa kanya at di nag aalala .. baka nasanay po siguro sya nong mag jowa pa kyo ikaw na gumagastos kaya yan hanggang sa nagka anak kayo ikaw padin ..dapat pag sabihan nyo po kasi may anak na kayo at responsibilidad nya kayo momsh..

Magbasa pa

Ang hirap ng sitwasyon mo sis, samin kasi pinahinto nya na ko magwork since buntis na nga ko and bawal sakin exposure ng mga machines ( esthetician facialist ako) ayun sya na lahat pero yung previous na ipon ko syempre pinanggastos ko din for our baby. If he want to, he would. 😉

if hindi kayo maguusap o walang gentle confrontation, what will happen? communication and be open 🔑 tatay na sya, pagkatiwalaan mo maturity nya kaya magusap kayo. sometimes we over think kaya puro disappointments, pero ang kulang lang pala e maipamulat sa kanila yung damdamin mo at situation nyo.

Bata pa asawa mo. Childish. Samin mas malaki sahod ni hubby. Kaya sya ang puro gastos kasi half nang salary ko binibigay ko pa sa magulang ko. Dahil hnd pa kaya nang ate ko sustentuhan sila. Kaya ako muna buo monthly. Sana makashare na ate ko. Para makashare naman ako sa asawa ko.

hindi biro para sa isang mommy na mag work while preggy sana naisip ni hubby mo yun sis, yung partner ko kasi since nalaman nya na preggy ako buong week naman sya may work. try mo sya i confront mi, kung hindi talaga mag work at ganun padin sya ibalik mo nalang sa parents nya yan.

It means na wala siyang pakelam sa inyo ng baby niyo sis! Prangkahin mo kung ano balak niya sa buhay niya at balak niya sa inyo mag ina para habang maaga palang eh alam mo na agad gagawin mo since ikaw naman nag susuporta sa sarili mo at anak mo eh wala siyang silbi un lang un

same situation , ang solution pa nga ng byanan ko is sa kanila kami tumira dahil baka nahihiya anak nya sa bahay namin lalo at studyante palang raw. tas ako naman mahihiya sa knila kasi wala manlang ako maiabot dahil d nagbibigay anak nya pangkain namin sa knila. hays

2y ago

yung lip ko mi, naiisip ko minsan hindi ba sya nahihiya? kasi kahit mag walis o magayos ng gamit ni baby di nya magawa ng hndi inuutusan. walang kusa.

Napakaimmature naman nyang partner mo. Buti hindi sya nabubulunan sa foodtrip nya, hindi nya naiisip na may mga bibig na syang kailangang pakainin. Iwan mo na lang yan pabigat lang yan. Kawawa ka at ang mama mo. Ibalik mo na lang yan sa magulang nya.

Nag aaral pa ba o tapos na? Kung nag aaral pa di mo naman maoobliga magbigay kung wala pa work pero kung tapos na, imbis na ihanap mo ng advice dito, mag usap kayo at pagtrabahuin mo. Communication is key. Mas okay din na magbukod kayo.

TapFluencer

Kausapin mo ng masinsinan si Hubby. Kamo, paubos na ung sa SSS benefits na nakuha mo. baka kako matulungan ka nya sa pang gastusin nyo. . galaw galaw kamo.. baka ma highblood ka hehe.. peace. samahan ng dalangin para mag sipag.