103 Replies

Same here po!! Sabi din po ng iba baka daw po lalaki ang anak ko kasi po di daw po ako blooming and dumadami yung pimples ko and worst ang lalaki pa kaya nakakahiya lumabas ng bahay lalo na kapag may nakakapansin ☹️ nag labasan po siya start nung 3months na yung tummy ko hininto ko din yung ginagamit ko sa face ko kasi masama daw po ang gamit ko lang po ngayon ay yung dove po na sabon unscented po siya 😊 and feeling ko naman nababawasan naman siya pero may tumutubo pa din pero ok lang basta healthy si baby ko😊

ano po gender ni bby nyo ngayon?

every morning, tanghali at bago matulog naghihilamos ako madalas 4-5 times pa kahit nasa bahay lang ako. Safeguard na sabon ang gamit ko pero yung tubig na gamit ko MINERAL (sa sabon choice mo pa rin basta okay sa pregnant) 8 months na tiyan ko ngayon pag tinutubuan ako pimples 1-2 lang tapos ilang araw nawawala din 😊. Tiyaga lang sa panghilamos sis hehe

Same here momsh cmula dn nung 1 month at hanggang ngaun po na 4 months e andun parin ung mga pimples ko at Ganyan din sabi nla na baka daw lalake baby ko Kaya normal lng daw yan sa buntis at pag daw manganak kana saka daw mawawala Yung pimples heheheh Kaya Kerr lng yan momsh tiis tiis muna😂😂

VIP Member

Ganyan din po ako nung 1st to 2nd trimester ko. Pero netong 3rd trimester, nawala na lahat. Mas di na ako pinimples kesa nung di ako buntis. Hahaha thankfully mas ayos pa sya ngayon. Yung ginamit ko lang na soap ay yung dr.wongs na sulfur soap then paraben free na moisturizer ng st. Ives.

Hahaha wala po talaga yan sa sabe-sabe. 36 weeks na po. Kabuwanan ko na ♥️

Ganyan din po ako sobrang daming acne pati likod ko. 2months pregnant dati nun di ko pa alam na buntis ako ang dami kong natry na anti bacteria na soap pero walang effect. Hormones po yan nagbabago po. Tigil ko lang gumamit ng sabon na matatapang kasi masama pala siya sa buntis.

Sa preggy hormones po yan, mommy. Yung tita ko po same din sa'yo but after a month nung nanganak siya nagclear namam na yung acne niya. Use mild soap nalang or better yet ask for referral from your Ob sa trusted derma niya para mamanage niyo po yung growth.

Wala ka po pwede gamitin na anything. Normal yan sa preggy kase dala yan ng hormonal changes. Ganyan din ako sa panganay ko. Nawala rin unti-unti pagtapak ko ng 4months. Wag mo lang kalikutin para hindi mag-scar. Use gentle soap lang pang-hilamos.

Ako noon mamsh im2 months din ako nun nung nalaman kong buntis ako tapos isang napakalaking pimple yung tumubo sa noo ko 😅 6 months na ako ngayon pero peklat na lang naman sya. Normal siguro na may kung anu ano tumutubo sa mukha natin 😊

Ganyan din ako dati mamsh 1st and 2nd trimester hahaha hindi na nga ako humaharap sa salamin. nung hindi pa ako buntis napakakinis ng mukha ko. Pero ngayon okay naman na nagffade na sya bioderm soap lang sabon ko tapos sa gabi popolbohan ko lang.

Both po e.

same here, nung una sbrng concious tlga ko pany search ko ano pde gmitin pero ending wla ko gnmit khit ano kc nkktkot dn ska normal nmn daw sa iba ngbbntis ang case ng stin mwwala nmn daw after mngank kya hnyaan ko nlng😊

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles