ex ni hubby
Hi mga momshie ask ko lang kung ok lang ba sa inyo na friend sa fb ng hubby o lip nyo yung ex nya? Kasi nakita ko kanina sa fb ng hubby ko na friend na naman sila sa fb ng ex nya, eh dati inunfriend ko na yun,di ko pa sya kinonfront kung sya ba nag add o yung girl,medyo nainis lang ako, di ko alam kung magiging ok lang sakin o magagalit ako sakanya.

Naku, mahirap yan momshie. Ung ex ko dati ganyan eh, friend nya ex nya sa facebook, okay lang naman sa akin nung una, kaya lang juice ko naman lahat ng selfie nung babae nila-like at kinocommentan pa. Nung sinita ko, wala naman daw ibig sabihin un. Eh nung chineck ko ang activity log ng fb nya (di ko ugali makialam ng fone pero grabe na kasi) hala! Maya't maya ang pag sesearch at pag check sa profile ni ate gurl! Wala pa rin daw talaga un, friends lang daw sila (magkasama sila sa work, btw), nag break at nagkabalikan kami ni ex (tanga lang ang peg ko, feeling ko kasi nun wala na magkakagusto sa akin, 5 years kasi kami ni ex). Anyway, matagal na kaming hiwalay at may family na ako ngayon. Blessing in disguise pala ang pagiging babaero ni ex. Hahaha bakit kasi kailangan pa i friend sa fb kung ex na?
Magbasa pa

