fb search

Hello mga momshie! Ask ko lang, anong mararamdaman niyo kung nakita nyo yung fb account ng husband niyo tapos yung kauna unahan sa mga sinearch niya e profile ng ex niya? Di na sila friend sa fb ng ex niya. Nagtataka lang ako kung bakit kailangan pa niya isearch. Nagdududa tuloy ako and may kutob akong kakaiba. Pero wala naman silang messages sa chat or even text messages. Nakita ko lang accidentally kasi nakasave ang fingerprints ko sa phone niya. Di ko na alam ang dapat isipin kahit napakasimpleng bagay lang nun. ?

24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Simpleng bagay pero masakit po, Nangyari na po sakin, tinanong ko talaga Hubby ko bakit. Bakit pa nya sinesearch. Kinausap ko sya mahinahon sabi ko di ako galit gusto ko lang malaman side nya at sabi ko wag sya matakot sabihin sakin mas okay kung open kami para maintindihan ko. Sabi nya sinesearch nya kasi tinitignan nya kung hindi ba masaya ex nya kasi ayaw nya maging masaya ex nya di daw deserve ng ex nya maging masaya. Tinanong ko sya, mahal mo pa ba sya? Sobrang hindi na daw, sabi ko eh sakin masaya ka ba? Sabi nya oo naman.. Sabi ko alam ko minahal mo sya at may part pa sayo na may care ka pa sakanya, kung masaya ka sakin hayaan mo na din sya maging masaya sa buhay nya, dapat wala ka ng pakielam dun kasi masaya ka naman diba, tutal minahal mo sya may care ka pa hayaan mo sya maging masaya gaya mo, ako nga 6 years relasyon ko babaero ex ko naranasan ko pang pagbuhatan ng kamay madaming beses, yung hubby ko 3 months lang yung kanila pero first love nya nagkalabuan sila dahil binalikan ng babae yung ex nya. 2 years na nakalipas sa kanila kaya sabi ko hayaan na nya patawarin na nya. Ganon din ako sa ex kong 6 years bago sya okay kami masaya na sya sa bago nyang karelasyon at pinutol ko na communication namin. Nagsorry sya sakin narealize nya tama ako. Di na naulit yun last year pa. Si Ex na nya ngayon nangulit samin, inaaway ni Hubby na wag feeling close sakin dahil chat ng chat sakin at pati sa kanya, sabi ko sa babae magkakaanak na kami, nag congrats yung babae at masaya daw sya para sa Hubby ko na masaya at swerte hubby ko sakin. Di na kami chinat ulit 😊 mas okay kung mahinahon nyong paguusapan at sabihin mo point mo pakinggan mo sya pakinggan ka nya. Maging open kayo at let God's will, be done! 😊 Pakita mo lang na mas better ka naman kesa sa ex nya.

Magbasa pa

baka nacurious lang po sa ex nya kung ano na estado sa buhay, kung maulit ulit na search nya, iba na yun. wag po tyo magmalinis girls, ni minsan ba di nyo sinearch or tinanong sa common frends kmusta n ex nyo 😊 ako nga binabati at kinakausap ko pa family ng long time ex-bf ko pero wala nmn malisya, frend ko sa fb kapatid nya, minsan nakikita ko nka-tag si ex so naccurious ako masaya nba sya sa buhay nya, natitignan ko profile nya kahit wala nmn ako makita kc di kmi frends hehe, but it doesn't mean may feelings pa ko sa knya hehe. pag nakikita nya rin ako binabati at niloloko nya pa rin ako pro hanggang dun lang coz we are both happily married (or me, I dunno him lol) ganun lang momsh, wag gawin big deal..napag-uusapan yan, matakot k pg chinat na nya ex nya 😊

Magbasa pa

ako hindi magiging okey sakin... feeling ko talaga nababastos ako o mas approriate word is hindi kumportable... just like others saying.... anong meron sa ex at kelangan mag extend to at present... ganyan din lip ko kinumpronta ko nagkukumustahan lang daw e both ilokano usapan nila e di nganga ako at di ko maintindihan convo nila.. pinapatranslate ko ayaw ni lip sa galit ko kc binura na daw nya binato ko cp ko sa mukha nya para ipaalam na nakapagscreen shot na ako... tas ang nakakasama pa ng loob ung ex pa kinampihan.... nakakapanginig ng laman db.?

Magbasa pa

pinagdaanan ko ngaun yan sinundan ko lahat ng pambabae ng asawa ko hanggang sa nagsyota pa sya at nabaliw sa babae kahit na paulit ulit nya akongniloloko tinitiis ko parasa anak namin ,wala tayong magagawa kapag ginusto ng partner nating magloko o lumandi ,para walang gulo SILENT is the best ang importante magkasama kayong dalawa at buo pamilya mo, nakakasira ng relasyon kapag wala kang tiwala sa partner mo na kahit alam mong paulit uliy kang niloloko

Magbasa pa

Hehe tanong mo sis.. mas mahirap mag assume mas pinapalala ng sobrang pag iisip Ang mga bagay bagay.. Malay mo n on that moment my bagay siyang naalala about sa ex niya. Not necessarily my gusto siya mangyari.. curious lng din. Pero mas ok Kung mag tanong k n lng and syempre be prepared n paniwalaan.. mahirap nmn ung nag tanong k pero my gusto k ng marinig from him.

Magbasa pa

Try to ask bakit nya sinearch. Baka nacurious lang sya, may nabalitaan sya tungkol sa ex nya kaya binista nya profile nya. Pagusapan nyo kesa awayin mo agad sya, deserve nila malaman yung mga nasa isip natin hindi yung bigla bigla natin silang aawayin or bigla tayong magtatampo sa kanila without telling them kung bakit.

Magbasa pa

Ask your husband sis, para di ka nagiisip. Kung kilala mo naman asawa mo at tiwala ka sakanya, i dont think meron kang dapat ikaduda. After all, ikaw pa din naman yung asawa, dapat mas confident ka kesa sa ex niya.

VIP Member

Hahaha sakin yan sis balibag siguro cp nya pag nakita ko ganun. Ano rason nya at seserch nya yun di ba. Mister ko nakablock mga ex sa fb nya we ayaw ko kasi me nakikiepal pa sa pamilya namin lalo na mga past hehehe

VIP Member

Khet cno nmn mpapaicp peo no big deal nlng kesa mg away p kaio peo qng gsto mo tlga malaman ask mo nlng xa mg usap kaio.. Kya kme ng asawa q hnd n kme ng Fb ayaw nia ngFb kme.. Instagram nlng account nmen.. :)

Nakita ko rin na sinearch ng husband ko yung ex nya. Tapos sabi ko, "ba't mo sinearch?" sinabi naman nya ang reason. pinagchismisan kasi nilang magkakawork yung mga ex nila hahahaha.