ex ni hubby

Hi mga momshie ask ko lang kung ok lang ba sa inyo na friend sa fb ng hubby o lip nyo yung ex nya? Kasi nakita ko kanina sa fb ng hubby ko na friend na naman sila sa fb ng ex nya, eh dati inunfriend ko na yun,di ko pa sya kinonfront kung sya ba nag add o yung girl,medyo nainis lang ako, di ko alam kung magiging ok lang sakin o magagalit ako sakanya.

221 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Okay lang yun . As long as hindi naman sila nag uusap or wala naman sila ginagawang masama . Hayaan mo lang kesa maging praning ka mas lalo kayo magkakaproblema ng asawa mo . Ipakita mo sakanya na may tiwala ka sakanya Im sure pangangalagaan nya lalo yung tiwalang ibinigay mo . Kesa mag tamang hinala ka masasakal ang asawa mo mas lalong magkakaproblema.

Magbasa pa