Girl iappreciate mo nalang na concern sya sayo. Wala naman mali sa ginagawa nya. Parang ikaw pa nga ang mali eh. Kung ako asawa mo magagalit din ako sa ugali mo. Mama ko yon tapos gumagawa ka ng ikasisira nya sa side mo. Eh kung magkwento din kaya yung asawa mo ng bad side ng mama mo sa relatives nya? Im sure di mo rin magugustuhan.
Gets ko ramdam mo. Di ko alam kung hormones lang ba o ano. Haha. Oo andon n tayo na pasalamat at concern. Pero minsan din kasi OA. Lahat ng kilos mo may masasabi sila... na dapat ganito ganyan. Ok naman ung ibang payo kaso yung iba outdated na masyado. Minsan may pagkukumpara pa yan sa pagbubuntis nila dati.
Yung iba nga dito naiiyak kasi walang pakialam yung mga byenan nila, ikaw naman tong kinakamusta ka lang kung ano pakiramdam mo naiinis ka na. Pano pa kaya kapag walang pakialam biyenan mo and laging masama sinasabi sayo. Baka magpost ka na lang dito at sasabihin mong "ang pangit ng ugali ng byenan ko".
Tingin ko ikaw po ang may problema.. Kasi alam mo po ung gnagawa nila pgtatanomg concern lang naman cla sau at sa baby mo.. Dapat nga magpasalamat ka kasi my pakialam cla sau na kinukumusta ka nila at ng baby..anong gusto mo po ung d ka nla tatanongin. Ung wala cla pakialam sau..
Concern lang sya sayo sis wag ka masyado ma inisin di maganda yan kng ayaw mo tinatanong ka prangkahin mo ,, tsaka mali yng pa pipiliin mo asawa mo sainyo ng byenan mo di tama un , mararanasan mo yan pag dumating sa time na gawn dn yan ng anak mo pag nag asawa dn sya ,.
Para saken swerte ka kase inaalala ka ng mother in law mo. Ganyan din naman ung mama ng bf ko lage akong kinaka musta pati mga ate nya tinatanong ako at nagpapayp sila ng mga dapat kong gawin habang buntis ako, ang sarap kaya sa feeling na may nag aalala sayo 😊
Hala ganyang ganyan din ako moms. As in ganyang ganyan. Haysss. Di ko maiwasang mainis kahit wala naman syang ginagawang masama sakin bagkos ay napakabait pa nga nya . Pero ewan ko bat ganun nararamdaman ko . Ung tipong boses palang jusme ewan naiinis talaga ako
Parang nakakalaki pa po ng puso ung kamustahin tayo ng ating mother-in-law. Swerte ko din sa mother-in-law ko, paalala at pangangamusta. Ganun din mother ko. Siguro naninibago ka lang momsh. Since mother ka na, ma feel mo na din ung concern ng pagiging ina.
you should be thankful kasi my concern sila sayo. Alm nya kasi ang hirap ng pagbubuntis kaya worried mga yun. Nsa sayo problema mamsh. Ako gustong gusto ko lagi ako inaalala ng inlaw ko. Everyday p nga nila ko pinagppray over. Normal lang sa knila yun 😊
Parehas tayo. Alam ko concerned ung ibang tao pero nakakainis! Nung nalaman nilang buntis na ko, umiyak din sila? Ang OA. Hindi naman sila ang mag dadala. Ayoko din kasi ng mga nakikielam. Minsan kasi ung iba mas gusto pang maging nanay kesa sayo.