palabas ng sama ng loob
Mga momshh nransan nio b ung sa stage n before ka mangank badtrip kn sa nanay ng asawa mo? Yung tipong mrrnig mo planh ung boses nya ayaw nlayo kn agad? Ako kc gnun, bago ako manganak syempre nag uupdate kmi sa nanay nya since nsa mlayo parents nya kung anu n nangyyari skin cmula nung nag 3cm ako nung april 2020. Nairita nko kasi araw araw nlng tatanung sya kamusta pmiramdam mo? Bkit ndi k magtanung sa OB kung bkit gnyan? E ndi ko p nmn due date minamdli nya pag lbas ng LO ko. 1 week syang gnun skin... Mnsan hndi ko nlng kinakausap kc naiistress nko... And after ko mangank syempre VC prin cla ng asawa ppkita c baby namin.. Pag hhnpin ako nalayo ako kc till now badtrip prin ako sa knya.. Hindi kc ako snay ng puro tanung araw araw kamusta pkiramdam mo... Tpos puro payo n bwal ganito bwal gnyan. Nkksawa kc nrinig ko n sa mama at lola ko dadagdag p sya... Sobrang stress ako araw araw tpos feeling ko p nadagdag sya. So, ndi ko msb sa asawa ko ung problema ko sa nanay nya kya dto ako sa pinsan ko naglbas ng sama ng loob. Nbsa ng asawa ko at kinausap ako kgb aun kanda mura inabot ko sa knya... Feeling ko pag papipiliin ko sya nanay nya pipiliin nya over smin ng anak ko. Hindi msb sa knya ang problema kc galit sya pag pinag uusapan parents nya... At pag mag oopen ako sa knya ndi sya nkkinig skin, kya minsan naiyak nlng or ntulo kusa luha ko.
Same po tayo ng mother in law May sarili kmi bahay bago mag lockdown pinilit kmi umuwi sa bahay nila kesyo delikado daw dito sa condo mwawalan daw ng supply ng food at iba pa Sobrang pag alala ng byenan ko sumunod na lang kmi. Pag dating sa bahay nila wala na kmi pinag usapan kundi yung virus na yan lagi pa nakikinig na balita na Puro negative naman. Bawal din kami lumabas Kht sa labas Lang ng bahay tapos kung lalabas man ang daming bilin na wag hahawak sa ganito, mag spray ng alcohol mag jacket, pantalon, cap para di skin contact, pag labas pa Lang ng kotse iisprayan na kami ng alcohol. Sobrang nag aalala tpos kapag check up ko sa ob ko nauuna pa sya mag update at mag tanung sa ob ko na bkit ganito ang result ko sa utz. tinitxt nya ob ko kasi ob nya din naman yun. Tpos araw araw din ako tinatanung kung magalaw si baby. Pang 39weeks ko na ksi ngaun at maliit yung baby ko based sa utz. Narinig ko tinanung nya asawa ko kung binibilang ko daw ba fetal movement ni baby umiinom daw ba ko vitamins. Naiinis din ako kasi ang oa na. Nakaka stress na nga sitwasyon ntin dhil sa virus na yan at Hirap na nga magbuntis tpos ganun pa sya ka oa. Alam ko naman Kelangan yung mga preventive measure para sa virus at sympre aalagaan ko din katawan ko para sa baby ko di nya Kelangan istress out lagi sa akin yun. Maliit na bagay kina kastressan Pati tuloy ako nasstress sa knya kaya ata lumiit baby ko dhl sa stress Sabi ng ob ko happy thoughts lang daw Dpt. Gusto ko sabhin sa byenan ko na gawin n lng ang dapat na pag iingat tapos samahan ng dasal at ipasa Diyos na ang lahat at wag na ma stress. Sabi nga cast your anxiety to God. Na share ko Lang sis kasi I feel you Di ka nag iisa sa feeling. Or Baka sensitive Lang talaga tayo ngaun buntis tayo kaya ganito tayo mag rant hehe. Pero mabait naman byenan ko. 😅
Magbasa paSa akin naman, naiirita ako kc sa hubby ko siya tanong ng tanong kung kumusta ako.. Hubby ko nasa malayo kc. Thru chat siya nangungumusta. Na miss dn dw nya ako, yada yada yada blah blah. She has my number and only time na mag txt siya skn is when she would ask if meron na allotment. Lol. Kaya i feel like ang plastic lng nya. Tas sinabi pa nya one time kay hubby d daw ako nagrereply. Hindi nga ako nakapagreply kc hindi ako nag loload. I only need wifi to communicate sa hubby ko. Ginawa ko since d rn kami friends sa FB, i opened my hubby's messenger and dun ako nag reply. So pano nya nasabi na hindi ako nag rereply? My hubby confronted me and i told him na alam nmn tlga nya hindi ako nag loload. Wla dn akong k txt at panahon ngayon pwede na thru messenger nlng. He got slightly pissed and thats when i said 'if ur mom is really curious of my well-being, pwedeng pwede naman syang tumawag ah? And only time na mag txt siya is if magtanong yan if meron na allotment. You want me to do screenshot?'. Tumahimik lang siya. 😂😂
Magbasa paHaist. Samantalang ako kahit nung nasa bahay pa nila kami naka tira never sya nag tatanung sa pinag bubuntis ko. Peru pag itsismis nya ko na tamad ko daw hnd kumikibo then dun sya magaling. Imagine nag bbleeding ako for my 3rd-4th month pregnancy dahil maselan ako mag buntis so anu eexpect nya? Mag trabaho ako sa bahay o kaya mag labas labas na dapat lahat ng bisita ay dapat kong asikasuhin? Bed rest nga eh! At grabeako mag lihi na walang araw di ako nag susuka peru never nya ako natanung kamusta pag bubuntis ko. Bago pa lang ako sa family nila like after 1 month of our wedding ay naka conceive na kami peru grabe nya ko ipag tsismis so ginawa ko bago pa ko masiraan ng utak bumukod kami ng asawa ko dahil may haus namang binigay saamin parents ko taz ngun kit ka v-call nya asawa ko ni boses nya ayaw ko marinig. Naiirita ako subraaaa! 2 months nlang makaka raos na ko at ayaw ko na tlga syang kausapin nasstress ako.
Magbasa paYay ganyan din si Mil ko,madalas tumawag since nasa province sila ,lagi magpapa alala na ganito laging mag jacket mag sombrero nung buntis ako bawal mahamugan..dahan dahan sa pagllaakad ,wag mag hhabal habal ok lanv ma late sa trabaho wag lang magmadali, ganyan siya ka concern pero hindi naman ako naiinis kaht na paulit ulit mas todo concern pa siya kisa sa nanay ko mismo,lalo nang manganak ako daming mga advice ganito bawal kaagad maligo bwal magpa electric fan..alagaan ng mabuti si baby. halos araw araw ganyan hehe parang sirang plaka .pero iniintindi ko nalang ganun lang tlga siya mag care, imbis na mainis pinagppasalamat kupa kasi maswerte ako na ganun siya kabait, ang dami kayang hindi nabiyayaan ng mabait na mil madalas kontrabida sa buhay mag asawa.
Magbasa paSobra ka naman po momsh. Parang wala naman po akong nakikitang problema dun. Be thankful po kasi kahit nasa malayo sila they still care about you. Kasi yung ibang momshies, naiinis kasi parang walang paki sa manugang nila. At isa pa magagalit talaga si mister kasi imbes na iopen mo sa kanya yung nararamdaman mo e sa iba naman. Nung buntis pa ako momsh, sa kapatid ng asawa ko ako naiirita. Nakatira palang kami dito sapamilya ko, kasama sya kasi kinuha sya ng asawa para mag-aral, e ang pinakaayaw ko pa naman ay yung manhid di marunong makiramdam. Nasa kwarto lang lagi naka cellphone, ilang beses ko na ngang sinabihan pero labas sa isang tenga nya. Syempre ako ang nahihiya sa parents ko. Ngayon na nanganak na ako ganun pa rin pero kinokontrol ko sarili ko.
Magbasa paGirl alam mo ikaw ung may problema hnd ung MIL mo,nangangamusta kasi concern sayo. Alam mo ba ung BINAT? Saka nasa right ang asawa mo magalit sayo kasi ang bastos nung lalayo ka saknila na kapag hinahanap ka eh concern lang naman sayo. If hnd ka sanay edi diretsyuhin mo MIL mo na "Pwede po ba wag kayo tanong ng tanong kasi naiirita ako sainyo." Ewan ko lang if hnd ka nila isumpa or ayawan din. Yung iba dyan madahera ang MIL eh. Saka ito ah, Usually may mga anak na lalaki close yan sa nanay nila,nakikita nila if paano itrato ng wife nila ang nanay nila. Diba nga ang sabi "tignan mo Kung paano itrato ng lalaki ang nanay or pamilya nya kasi ganun din sya sayo kapag asawa ka na." Wag ka masydo mainit ulo baka PPD na yan.
Magbasa paHindi lahat ng MIL ganyan ka concern. Kung sa family mo nagpayo sayo naiirita ka na what if sa ibang tao pa. 🙄 Ako keri lang. Ganyan kasi araw araw si mama ko kahit nasa ibang bansa siya, kaya nasanay na ko. Tapos ganyan din ka concern family ng asawa ko saken mga ate nalang niya kasi wala na si mama niya nasa heaven na lalo na bunso si mister ko take note bisaya pa mga ate niya akala mo galit lagi magsalita pero hindi naman. So, why worry ateng? Buti nga concern pinapakita e. Hindi yong concern lang sa bata at walang pake sayo mas nakakainis yon. Try to understand din. Para di kayo nagtatalo ng asawa mo.
Magbasa paHindi ba pag nakasal ka nagging isa pamilya nyo nang asawa mo? Regardless outdated o puro pamahiin bato nang in laws mo, nakakabawas ba sa pagka babae o pagkananay mo yung intindihin sila? Apo din kasi nila dinadala mo. Di nila pagmamay ari pero dugo din nila. Mahirap bang intindihin yun lalo na matatanda na sila at konting panahon na lang din mabibigay nilang guidance sa inyong mag asawa. Pati Video Call issue? Hala sya. Kung buhay ang parents ko o FIL ko, siguro mas masaya makinig sa ganyan. Sarap nang may nakakaalala. Para sa aki "Lambing" nang matatanda yan. Nakakapikon o hindi, ganyan sila magmahal
Magbasa paHi Mamshy Anne, unang una congratulations sa safe na panganganak mo sa baby mo. At hindi na ako dadagdag sa mga negative comments ng ibang mamshy dito na kesyo may attitude ka daw HAHAHAHA Basta mamshy naiintindihan kita, iba iba talaga hormones pag buntis at kapapanganak yung parang gusto mo mapag-isa at ayaw mo yung mga annoying na mga bagay bagay. Kamustahin kita kung kamusta yung relationship mo sa biyenan mo nung hindi ka pa buntis at bagong kasal? Nalungkot lang ako sa part na minura ka pa ng asawa mo. Update ka lang dito mamshy kapag may mga tanong ka ha.
Magbasa paThank you mamshhh ezra... Ok nmn kmi ng nanay ng asawa ko since ipakilala ako sa knya... Wla ako msb kc sobrang bait kahit tatay nya at kaptid nya... Pag nauwe ako sa knla sa province sobrang alaga... The time n nlman nlng buntis ako last year prang nkramdam ako n may iba.. Kasi gusto ng family ko ikasal kmi at bago lumaki tyan ko. Handa nmn cla nag punta p ng bahay pra pag uspan lhat... Mejo nppcn ko n unti unting nagbbago dhil mppgastos cla ng mejo mlaki.. Sa akin wlang problema ikasal sa huwes cla tong gusto kmi sa simbhan at mlking handaan ang mangyari... So nung mkakasal kmi.... Dami n cnsb n kesyo laki ng utang nila gento gnyan san daw cla hhnap ng pampaank ko nmn sunod sunod gastos daw gento ganyan... Masisisi nio bko mga nag comment dto n ganto ako ngyon? Sobrang stress ako lalo pat CS ako at ako lng mag isa at wlang katuwang sa pag aalga sa anak ko dhil ang asawa ko ay nag wwork n uli. Pasensya n kayo kung ganto ako sa MIL ko sadyang pra skin e prang feeling ko sya ang nanay
Sis, concern lang sayo mother-in-law mo and be thankful for it dahil hindi lahat ganyan. Ako mother-in-law ko bumisita dito sa amin before nag ecq galing siya province di na nakauwi dahil cancelled flight siya nung March 14. Senior citizen na siya kaya may pagkakulit na din ganyan din dami bawal, dami paalala, binabantayan kilos ko. May mga oras naiirita ako pero I just look at the bright side of it na concern siya sa amin ni baby. At syempre mahal ko asawa ko kaya nirerespeto ko nanay niya.
Magbasa pa
first time mom