Newborn: Ano ang OK na gamot sa ubo at sipon ng 1 month old baby?

Hi mga momsh, yung baby ko 3 weeks old palang, nung una may sipon siya, tapos nagka ubo nung monday ng hapon, pinacheck up namin ng tuesday niresetahan lang siya Salinase, inistethoscope siya wala naman daw plema, baka daw hindi ubo baka samid lang. Naisip ko baka nga samid lang, kasi hindi naman madalas, pero nung wednesday ng madaling araw, napadalas yung ubo niya. Kalmado lang si baby ko hindi naman pala iyak, pero dinala pa din namin siya sa ibang pedia, ganun din ginawa inistethoscope tapos niresetahan siya salinase, tapos tinanong ko kung pano yung sa ubo niya, ang sabi niya hindi daw inuubo maingay lang daw ang pag hinga normal lang daw yun. Pero alam ko inuubo siya, ang sabi ng pedia baka daw sa panahon lang nag aadjust lang siya. May ganun pala, yung ubo na hindi kailangan gamutin? Nag taka lang ako kasi dalawang pedia pareho sila ng reaksyon, saka parang di sila naniniwala na inuubo baby ko. Nangyari na ba to sa inyo? Please paki sagot para malinawan ako

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

hi mommy chineck ba c baby mo ung pinakinggan nla ung chest at sa likod kong may plema ba.kc kng chineck po nla at wla cla narining wla po yng ubo kc c baby ko bfore gnyn dn akala ko inuubo pro nung chibeck ni pedia normal nmn daw gnyn lng tlga cla kng newborn pa kya sabi nya mwawala nmn daw yan hnggng paglaki nla.kya wag kau magworry mommy pro kng may doubt parin kau better to ipaconsult nui sya another third pedia..

Magbasa pa
2y ago

Mii ganyan din baby ko, nagkaroon sya nang ubot pero yung sipon di naman ganun ka triggered. Sabi nang pedia niya ay papunta na sa pheumonia. Nagpa-xray kami parehong lungs niya ang meron so yun niresetahan sya nang mga gamot. Umokey naman sya after nang mga gamot niya. Kaso ngayon mii worried ako 1week palang after nang gumaling sya. Tapos umuubo-ubo sya di ko alam kung samid ba yun kasi walang araw na di sya umuubo. Tapos yung ilong niya parang barado pero nilinis ko nang salinase wala namang sipon, pero yung kulangot niya mii mabasa na tuyo na malagkit. Nagwowowrry lang ako mii. Si baby ko po 1 1/2 month na