Newborn: Ano ang OK na gamot sa ubo at sipon ng 1 month old baby?

Hi mga momsh, yung baby ko 3 weeks old palang, nung una may sipon siya, tapos nagka ubo nung monday ng hapon, pinacheck up namin ng tuesday niresetahan lang siya Salinase, inistethoscope siya wala naman daw plema, baka daw hindi ubo baka samid lang. Naisip ko baka nga samid lang, kasi hindi naman madalas, pero nung wednesday ng madaling araw, napadalas yung ubo niya. Kalmado lang si baby ko hindi naman pala iyak, pero dinala pa din namin siya sa ibang pedia, ganun din ginawa inistethoscope tapos niresetahan siya salinase, tapos tinanong ko kung pano yung sa ubo niya, ang sabi niya hindi daw inuubo maingay lang daw ang pag hinga normal lang daw yun. Pero alam ko inuubo siya, ang sabi ng pedia baka daw sa panahon lang nag aadjust lang siya. May ganun pala, yung ubo na hindi kailangan gamutin? Nag taka lang ako kasi dalawang pedia pareho sila ng reaksyon, saka parang di sila naniniwala na inuubo baby ko. Nangyari na ba to sa inyo? Please paki sagot para malinawan ako

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

mommy once kasi na wala namang na ririnig na plema sa lungs ng anak mo hindi kailangan resitahan ng gamot yan kasi masyado pang baby to take antibiotics and antibacterial ang mga babies, ang sinasabi ni pedia is ung halak kapag maingay matulog na parang humihilik, nagkakahalak ang baby kapag laging lumulungad and kapag hindi elevated ung ulo while feeding kasi tendency babalik ung gatas sa ilong that would cause halak, kung breastfeeding ka naman po much better kasi mas mabilis gagaling anak mo 3days mawawala na yan. then if formula naman check how you feed your baby , and also check your surroundings if malinis ba at hindi nagiging 2nd/3rd hand smoker sya and also po baka natutuyuan ang likod due to our current weather.

Magbasa pa
5y ago

How's your baby po? Same case kc sa newborn ko now