30 Replies

Make carry ka ng mama mo kung 18 below ka pero ying bata hindi . Mas mabuti kumuha ka nalang ng sarili mong philhealth kung wala ka pong work pwede ka kumuha ng barangay indigency sa brgy nyo po yun po ying ipasa nyo sa pinaka malapit na philhealth po para ma Indigent ka wala pong huhulugan sa category na yun gaya nung sa akin pwede mo pa macarry baby mo.

Indigency philhealth gamit ko nung nanganak ako. Kuha ka lang barangay indigency, then punta ka sa city hall. Dalhin mo mommy book mo at ultrasound, bibigyan ka nila ng form doon yun ang dadalhin mo sa philhealth. Wala kang babayaran.

VIP Member

Pwde naman po if beneficiary ka po ng mama mo and under 21 years old po kayo. Apply nalang po kayo ng sarili nyong philhealth momsh para makasiguro din po kayo. 2,400 lang naman po ang babayaran nyo and dala po kayo ng ultrasound report para aware po sila na gagamitin nyo yun sa panganganak.

VIP Member

Sa pagkakaalam ko po kelangan underage ka pa lang po para qualified ka as dependent ng parents mo. Pero kung legal age ka na, hindi na po pwede. Pwede naman ka naman mag avail ng sarili mong philhealth. Pamember ka lang sa philhealth branch at bayaran mo yung 1 yr contribution (2400php).

hello ask ko lang po magagamit ko po ba ang philhealth ng mama ko kahit nasa abroad sya? nakadependent po ako 18yrs old palang, kaso sabi nya d daw update ang philhealth nya. pano po kaya iuupdate un para magamit ko sa panganganak?.salamat po sa tutugon

mag 18npalang po ako this may ang due ko po ay april.

Ang pagkakaalam ko. Pag 18 yrs old is under pa ng mga magulang. Pero tinanong ko sa midwife ko yan about sa philhealth na yan. Kaso hindi nadaw uso yung magagamit sa magulang.. ang need daw talaga is mismong philhealth mo na.

TapFluencer

Hindi mo po magagamit yung sa magulang mo.kasi ako non nanganak sa pnganay ko,menoe de edad pa ko non,di ko nagamit.di daw pwede yun lalo sa pnganganak.. Mas mainam mag apply kna lang momsh ng sarili mong philhealth.

VIP Member

If u're under age 18 below, magagamit mo pero kung 18 above hindi na. Kuha ka na sarili mong philhealth at maghulog ka ng 2,400 whole year..

VIP Member

meron pong indigence Philhealth Wala kang babayaran, pagod at pawis lang puhunan para sa paglalakad ng mga requirements..

may program ang philhealth itanong mo na lang ung woman about to give birth. kahit kinabukasan qa manganak pwede qa magfile..

Dito samin pag walang philhealth.. Nakuha sila sa city hall ng philhealth ng masa. If may project yung mayor nyo ng ganon

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles