Minsan kahit mahal mo yung tao need mo mag sakripisyo. Unang gawin mo, idemanda mo siya para madala physically, emotionally and mentally abused ka kawawa si baby damay sa stress. Pangalawa ingatan mo sarili mo. Ilayo mo sarili mo sa kanya, mahirap pero tanggapin mo. Mas mahirap kung mag stay ka diyan puro sakit naman sa katawan inaabot mo. Hindi siya worth it. Lagi ka mag iingat, pati baby mo ingatan mo. Iloveyou girl! God bless you
sa buong kwento tingin ko alam mo na yung sagot. Let it go na. Hindi healthy sa baby mo ang ganyang environment. Kawawa siya in the end baka pati sya saktan din. i'll be straightforward di ka mahal nyan. Kaya wag mo na bigyan ng second chance. Tyaka isipin mo nga sino humihingi ng second chance tapos ganyan magsalita sayo? have some respect for yourself. Mahalin mo sarili mo at ang anak mo at wag mo na ipursue yang lalaking yan
hiwalayan mo na yan. wag ka na mkipag communicate, ang basura ng ugali after kang saktan physically and mentally sya pa may ganang mag sumbat sayo. get rid of him. remember ramdam na ramdam ni baby ang stress mo, nadadamay sya. focus ka lang sakanya, alagaan mo sya in your womb. yang lalaki na yan ang mawawalan and ma realize nya yan in God's perfect timing. For now focus on yourself , be healthy your baby is depending on you. 😉
Momsh wag mong pahirapan sarili mo bubtis ka pa nga ginaganyan kana how much more pag nandyan na anak nyo? Baka kayu dalawa ang bugbugin kaya wag mo na ipag pilitan sarili mo sa ganyang tao di ka ipinanganak nang magulang mo oara bugbugin at gaganyanin lang nang ibang tao pinalaki ka nanag maayus tas ma huhulog ka lang sa ganyang tso no no no momsh ma aadopt yan nang anak mo. Isuko mo na momsh wala kang mapapala sa ganyang lalaki
Momsh nasa harap mo na lahat ng signs. Wag na magbulagbulagan..wag na umasa sa wala. Sobrang immature ng guy magsama man kayo ulet mabubuo family nyo pero gagawin ka ulet nyang punching bag at magugutom kayong mag ina dahil irresponsible sya. Baka kalakihan pa yan ng magiging baby mo. Bawasan mo ang bigat ng dala mo momsh let go na. Hindi sya kawalan. Take care of yourself and your baby. Yun ang pinaka importante sa lahat. ❤️
Wag mong hayaang isilang ang baby mo sa isang magulong pamilya. Focus ka sa magiging baby mo. Tandaan mo na bawat gagawin mong desisyon sa buhay ay damay ang anak mo. You deserve to be happy. Hindi mo naman sya kailangan e. Nakita mo na lahat ang katangian kung bakit dapat hindi mo na sya balikan. Ni wala nga akong nabasang magandang nagawa nya sayo e. Pakatatag ka para sa magiging anak mo. Tiwala lang kay Lord mommy. 😊
Ako lang ba nastress magbasa nito? Naku mamsh. Di mo na kelangan itanong yan. Baka mapatay ka lang nyang lalaking yan. Mas matatahimik ang buhay nyo ng baby mo kung iiwas ka sa taong yan. Wala na ngang kwenta nananakit pa. Nakakagigil. Saka isipin mo, buti nga di ka pa nakunan until now kahit sinasaktan ka nya physically and emotionally. Utang na loob wag mo nang antayin na dumating pa doon. Lumayo layo ka na sa taong yan.
Sis, sabi mo diba stress kana at pagod ka na? Ano bang ginagawa pag ganun? I know for sure alam mo sa sarili mo anong tamang gawin. What’s holding you back? Your love for him? The fact na siya ama ng baby mo? O baka ayaw mo ng broken family? There is no point in trying to keep someone who’s only going to make your life a living hell, he is not worth it. Break the cycle of abuse. Wag mong hayaang patuloy kang abusuhin.
Makipaghiwalay kana po mommy. Isipin mo nalang po ang baby mo. Lahat ng communication mo sa kanya, istop mo na po. Block them all. Magpalit ka po ng number, at kung hindi mo pa nasasabi sa pamilya mo ang ginagawa niya sayo. Dapat sabihin mo po, kasi family parin po ang dadamay at kakampi sa ganyang sitwasyon. Kawawa lang po kayo ng anak mo kapag bumalik kapa sa kanya. Pag pray mo nalang po siya. Keep safe mommy, Godbless.
The answer is so obvious. YESSS! Iwan mo na momsh! Wag mo ng balikan kahit kelan. The moment na sinaktan ka na nya, kahit magkasama kayo eh nakikipag chat sa iba, alam mo na po ang dapat gawin. Know your worth momshie. Kaya mo yan. Kung iniisip mo po na mahirap magpalaki ng bata mag isa, mas masakit naman na niloloko at sinasaktan ka lang araw araw. Enough na yung mga reason na sinabi mo para iwan mo yang lalaki na yan.
Sunshine Ejercito