5 oz.

Hi mga momsh! Share ko lang na sobrang effective nung Milo na pangpaboost ng breast milk. Dati ang napapump ko lang for 20mins is 1.5 oz. to 2 oz. both left and right boobs na yun ah, pero ngayon naka 5 oz. ako both boobs in 20mins!! Hindi ko alam kung konti pa yun para sa mga breastfeeding moms. Pero para sakin napakadami na non. Sa sobrang happy ko, yung boyfriend ko nagulat bakit daw sobrang saya ko. Eh kasi dati problemado pa ako, dahil ayaw nga mag latch sakin ni baby, tapos konti lang gatas ko. Tapos ngayon biglang 5 oz. Kaya ayun, share ko lang mga momsh!!!

5 oz.
33 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Congrats namn girl .. nakakatuwa and push mo exclusive breastfeeding kasi so far malakas immune system ni baby iba kasi talaga beeastmeilk 3 months na baby ko and naka 3 vaccine na sya so far lahat yun parang dumaan lang sa kanya walang fever and fussiness at all and sobra pa sya ng 1 kl sa age nya . Na share ko lang para ma boost ka din ng importance ng beeastmilk . Goodluck and godbless

Magbasa pa
VIP Member

exclusive pumping ka mumsh? ilang times ka magpump? umiinom dn ako ng milo ngaun 2sachets every inom with oatmeal 2x a day kasi nabasa ko din yung milo dahil sa malt nya pero same output pa din..

VIP Member

Yes super effective sis minsan milo na may malunggay. Yung pinakuluan ng malunggay yun ginagamit ko pantimpla ng milo hehe then before and after maglatch or magpump umiinom ako maraming tubig

Post reply image
4y ago

Wow ang dami!!! Try ko din yang pinakuluang malunggay. 🥰

VIP Member

Try ko din po yan mommy pagkapanganak ko. Sa pnganay ko kc after 2days pa bgo ako nagkagatas. Then pagka latch ng anak ko ska ko lng napansin na lumakas ung milk supply ko

4y ago

Same tayo 2 days pa bago nagkamilk kaso yung baby ko nauna mag formula kaya bottlefeed sya. Nipple confused 😔

Sakin sis, ang hina parin ng gatas ko kahit nag Milo ako. Di ko sure tuloy kung marami nadedede sakin si LO. Ngaun try ko din yng M2.

Mommy ano po pinapainom nyo kay baby dati nung unti lang gatas nyo? Ganan po kase ako ngayon ang unti lang ng napupump ko..

4y ago

Nag fm me ako ng nan. Kasi pagkapanganak ko wala pa akong bm kaya sabe sa hospital bumili daw ng fm.

Kahit nagcocoffee ako malakas gatas.ko. lagi lang akong kumakain ng may sabaw tapos gulay at malunggay

Super Mum

Wow, sana all hehe pero ang saya talaga sa feeling nyan momsh. Continue your breastfeeding journey ❤️🙂

Pareho Tayo mommy Milo din pampadami Ng gatas Ng Dede ko☺ Nung nagkape ako nawala Kaya balik Milo ako

Kakaingit naman ung ganito sis. Ako milo, m2 tsaka natalac pero gang 2 oz lang talaga nappump ko.