Anino sa Dilim

Hi mga momsh seeking lang po ako ng advice since po nung bata pa ako lapitin na kasi ako ng kung ano ano lalo na pag nagagawi ako sa lugar na di ko alam lagi daw po ako may dala. Yun pong sinasabi ko eh may suobin po ako dahil madalas po ako mapaglaruan or magalaw ng elemento. Madalas po pag nagkakasakit kaming magkakapatid pagkatapos ng byahe nagpapasuob kami at ako daw po may dala ng sakit samin. Ngayon pong may baby na ako nag aalala ako kasi. It all started on December 2019 umuwi kami sa province namin kasama family ko at yung lolo kong manggagamot pinatawag namin kasi paguwi ko ilang araw na agad mabigat at masama pakiramdam ko. Dun nagsimula yung takot dahil tinignan niya ung pagpantay ng palad ko at seryoso syang tumingin sakin. Sabi niya di na biro yung nangyayari sakin. Sabi niya may "nangangasawa" sakin na elementong lupa dahil nagnobyo ako. Sabi niya napapansin nga daw niya na buwan lng pagitan mula nung magkita kami payat na payat agad ako nung nakita nya ako that time. Sabi niya alam daw niya umpisa palang na may nagaalaga saking elemento sa loob ng bahay namin simula pagkabata. Kaya pala maganda kutis ko nun maputi tas mataba ako na parang pisigan lng pero di bilbil. Mahaba at makintab buhok ko pero simula nung nagnobyo ako which is asawa ko na ngaun eh kada taon naoospital ako at sakitin na ako. May pagkakataon na pagkatapos niya dumalaw sa bahay eh nasama pakiramdam ko paguwi niya at nananaginip ako ng may anino sa paligid which is bothering talaga. Fast forward tinanong namin ano dapat namin gawin pero inorasyunan lng ako at binigyan ng kwintas ng lolo ko suoting ko daw paguwi samin at dun may kakaiba nang nangyayari kasi may instance na naiiwanan ko kwintas ko sa sabitan ng kama ko umiikot daw magisa ung pendant ng wlaang hangin at nagigising ako sa gitna ng gabi na nauga ako. Panay ang pananakit at pamamamasa ng binti ko para lagi akong bagong work out. Kaya nagpasuob ako sa manggagamot malapit samin at un din ang nakita niya sa pagtatawas samin may nakatira sa dulo ng kusina namin sa may pinto na elementong lupa na kulay itim. Kinakausap ko ito na tigilan ako at nakikiusap na din hanggang sa tumigil ng ilang buwan pero may araw na nagigising ako may malaking anino sa tapat ng kama ko meron ding instance na nagdadayag or nagluluto ako may nadaan sa likod ko or pag naliligo ako sa banyo which is malapit sa kusina eh pakiramdam ko may nakapanuod. Yun na nga mga momsh nung nagbubuntis ako na di ko alam tauhin pa ng anak ko lagi ako nananaginip ng malaking lalaki at babae ng nakaputi na may kinukuha saking sanggol na babae. Sa sobrang takot ko lagi ako nagdadasal kada gising ko. Nung dumating ung araw na nalaman ko gender ni baby lalo akong nabahala kasi babae anak ko. Pagkatapos ko malaman ung tauhin natutulog na kami ng mga kapatid ko sa sala kasi madalas daw pag nandun ako sa kwarto na designated sa kusina namin eh nagsasalita daw ako ng tulog at lagi daw nakakakita mga kapatid ko ng itim na anino sa pinto ng kwarto. Nung natutulog kami sa sala nagigising ako na nakatayo lng siya sa paana ng kapatid ko since nasa gitna nila ako parang nakatitig lng at tinitignan ako. So far wala pa naman po ako nararamdaman 2months na si baby kasi lumipat na ako sa bahay ko ang kinakabahala ko lng ay laging may kausap ang anak or kung baga may nafofocus sya na particular na lugar sa loob ng bahay namin at last time na hinabilin ko sya sa tita niya nalaglag sya sa rocker niya pero di sya umiiyak nasa sahig na sya. Pinaka creepy dun is nung ilang araw naglalaro si baby or nagigising ng 3am. Aware kami ng asawa kong gising sya pero nung bigla syang umirit na parang masaya biglang may pumatok na malakas sa ulunang bintana namin na kinagulantang namin. P.S may pangontra po baby ko dahil naniniwala po ako sa mga pamahiin Advice po momsh ano po dapat ko gawin para safe kami ng baby ko

Anino sa Dilim
1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Greater Is He Who Is in Me Through Jesus Christ, the Lord's mighty strength dwells in us and equips us to overcome the enemy. 1john 4:4 i suggest n magkaroon k Ng personal relationship with the Lord. not just pray pray lng na Hindi mo nararamdaman at d mo naririnig si Lord. lumapit k sa knya sis. hanapin mo si Lord ng totoo. 🙂 sinabi nmn ni Lord sis Hindi Kita iiwan at Hindi Kita papabayaan. pag tinanggap mo si Jesus sa buhay mo poprotektahan k niya.. Yung holy spirit magging temple Niya katawan mo.ibig sabhin marami k kayang gawin dahil nananahan sayo Ang panginoon. imagine sis diyos Ang nakatira sa katawan mo..ano p magagawa Ng kaaway pag sinabi mong lisanin nila pamamahay mo.? sisirain k Ng kaaway dahil alam nila Ang potential mo. lumapit k sa makakatulong Sayo para mapalapit ka Kay Lord, pastor or pari at sabhin mo problem mo.. Pwede k din mag basa basa Ng bible or mga basahin n about Kay Lord. I pag pray mo si baby and asawa mo.. pati bahay ninyo. 🙂

Magbasa pa