Di natutulog pag umaga
Mga momsh patulong naman paano nyo napapatulog ang baby nyo ng DAY nilalabanan nya talaga ang antok nya kahit anong hele ko. Pag gabi kasi putol2 ang tulog nya every hour sya nagigising. Tulog na sya ng 5:30pm then gising ng 7pm pagkatapos nun every hour na sya gising hanggang 5am. #firsttimemom

Walang certain routine baby namin iba iba yung time niya ng pagligo and pag nap sa umaga and iba iba din minsan yung start ng tulog namin sa gabi (almost 3 months old na si LO) pero ang pinaka strict kami is yung pagdidifferentiate ng day and night for her. We make sure na active yung mornings for her and lagi naka-on yung lights or windows namin para maka pasok yung natural light sa bahay. Kahit maingay kami mag usap ni hubby or maingay sa labas at nagpapatugtog kami, okay lang. Pero pag oras na ng tulugan, we make sure naman na calm na yung atmosphere at may isang maliit lang na lamp na naka on. The rest ng ilaw namin sa bahay naka-off na. Pabulong nalang din kami mag usap ni hubby and pag gusto namin manood ng videos or movies, nag eearphones nalang kami. Pag need palitan si baby ng diaper sa madaling araw, di parin namin binubuksan yung ilaw. Nilalapit lang namin ng konti yung ilaw na maliit samin, enough para makita namin si baby tapos matutulog na ulit. Ever since naging consistent kami sa ganyan, kahit anong sched ni baby sa umaga, nakakatulog parin siya agad and mas tuloy tuloy pag dating ng gabi. Di rin kami nagkaproblem nung nagbakasyon kami sa bahay ng relative namin at kasama pa namin si baby sa kwarto. Medyo kabado pa ako nun kasi baka maistorbo ni baby yung iba pag nagising siya ng magising siya ng madaling araw. Pero dahil pinakiusapan namin sila na magpatay ng ilaw at mag dim lights pag tulugan na, also wala nang maingay, di nagising si baby na umiiyak. Gumagalaw galaw lang siya pag tulog then dream feeding nalang yun diretso tulog na siya ulit. Twice lang din siya nagising for dream feeding. ☺️
Magbasa pa