Di natutulog pag umaga

Mga momsh patulong naman paano nyo napapatulog ang baby nyo ng DAY nilalabanan nya talaga ang antok nya kahit anong hele ko. Pag gabi kasi putol2 ang tulog nya every hour sya nagigising. Tulog na sya ng 5:30pm then gising ng 7pm pagkatapos nun every hour na sya gising hanggang 5am. #firsttimemom

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Share ko lang po ginawa ko sa baby ko. Tuwing 6pm half bath na sya ng warm water then dim lights. Pinapatulog ko na sya hanggat maaari. Kahit magising sya every hour ok lang. Start ng tuloy tuloy na tulog nya is 9pm talaga. Swaddle nagpapakalma sa kanya. Ilang days ko rin ginawa to unti unti hindi na putol putol sleep nya sa gabi. tapos isang trick na natutunan ko, nilalagyan ko sya sa tabi ng damit ko na hinubad na or ginamit ko na kapag ilalapag ko na sya. Madalas kasi hinahanap nila amoy natin. And then lastly kapag gumalaw galaw sya in the middle of sleep, wag mo muna syang gagalawin or bubuhatin. Hayaan mo syang makatulog ulit. Saka mo lang buhatin kapag talagang umiyak na ng tuloy tuloy. Another problem naman yun na baka gutom. Every 2-3 hrs ang feeding time ni baby. After mabusog, bagsak na ulit.

Magbasa pa
2y ago

Lastly pala mommy. Sa umaga ang pinakahuling tulog nya dapat end ng 5:30pm. After that laru laruin mo muna. Then 6pm, linis ng katawan.