Need help/advice mommies ?

Mga momsh pa help naman po. 11 days old po ang baby at ayaw nya pong dumede sakin. 3days pa kasi after ko manganak ako nagkaroon ng gatas kaya pansamantala ko muna sya pinadede sa bote nung nasa lying in palang kami dahil iyak sya ng iyak kasi walang makuha pang gatas sakin pero pinapadede ko parin naman sya sakin nun pag hindi sya naiyak. Hanggang sa nagkaroon na po ako ng gatas ayaw na po nya dumede sakin kahit anong pilit ko ayaw po nya at mas gusto na po nya sa bote. Isa rin po sa problema ko ay maliit po ang nipple ko. Baka isa rin po yun sa dahilan kaya ayaw nya dumede sakin. Mommies ano po dapat kong gawin? Gusto ko po sana si bay ko i-BF habang naka maternity leave ako, kaso pano? Huhu sayang po kasi ang gatas ko at lagi na lang basa damit ko dahil kusa na lang syang tumutulo. Need your advice mommies ?

Need help/advice mommies ?
86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try nyo po bumili ng breast pump mommy. Then sa kalagitnaan ng pagpapump nyo mapapansin nyong nagkakautong ka tapos try nyo po pa dede sa kanya. It worked for me. Ps. Pinapadede ko pa rin sya sa bottle, sayang kase yung napump na gatas.

tried everything, i pump mo nalang sis, tas painom mo nalang. Para atleast mainom niya milk from you parin. Tho still deep inside me, sooobrang nakaka depress nakakaiyak yung feeling.. So i envy all those breastfeeding moms 🥺❤️

Pa latch pa din po. Ganyan din si baby ko. Ayaw nya, nagagalit pa nga at umiiyak pero pinapa latch ko pa din. Same din po inverted nipple kaya mahirap. Pero pinilit ko talaga gang sa nasanay sya. Til now pure breastfeed si bb.

Hindi pa naman sanay si baby sa bote or breast still try and try po baka mas mabilis lang ang tulo sa nipple or siguru nga maliit lang nipple mo pero try mo padin lalo na pag gutom nga dun mo subukan masasabay din sayonyan.

Use pump po kahit yung manual lang tas salin mo sa bottle niya. Nakakalaki rin po ng nipple yun dahil nappush po yung nipple mo habang nagpapump kayo. Ganyan ginawa ko para di masayang ang gatas sa dede ko pero full BF po ako.

5y ago

Mastitis po yung mag over supply ung gatas niyo hanggang sa magka infection ung dede niyo. Magkaka nana, at pag di agad naagapan maghahanap po ng daan ung nana, magkakabutas ung dede niyo.

Try lang ng try mo ipadede po ang dede mo at pwede mo din i pump yung dede mo tas nahhila po ang niples mo non.Kasi ako maliit po talaga yung nipples ko hanggat na denede din ni baby ko🙏🏻🙏🏻🙏🏻.

Nipple confused po si baby. Wag muna magbote, magskin to skin kayo, topless sya topless ka at hintayin ang hunger cues tapos ioffer mo na ang breast mo. Wag mo hintayin na iiyak pa sya bago ioffer ang breast.

just try and try po. gnun tlg s umpisa. kpg ngbottle cia mas lalo po lalayo loob nia sa breast mo po mg milk kc mssanay cia po sa bottle and t the same time po lalo po mawawala ung stimulus ng pgmmilking mo po

Hi! Hindi po advisable na mag pump agad sa ganyang stage. Unli latch lang talaga si baby kahit umiiyak na. Try joining Breastfeeding pinay at facebook. Madami po kayo matututunan sa breastfeeding journey nyo.

VIP Member

Pa latch mo lang sis, bawal pa mag pump.. After 2 weeks pa po.. Ako yan din problem ko, inverted nipples din ako.. Sa 2 kids ko never sila dumede saken.. Hopefully itong pang 3rd ko mai breastfeed ko na siya.