Need help/advice mommies ?

Mga momsh pa help naman po. 11 days old po ang baby at ayaw nya pong dumede sakin. 3days pa kasi after ko manganak ako nagkaroon ng gatas kaya pansamantala ko muna sya pinadede sa bote nung nasa lying in palang kami dahil iyak sya ng iyak kasi walang makuha pang gatas sakin pero pinapadede ko parin naman sya sakin nun pag hindi sya naiyak. Hanggang sa nagkaroon na po ako ng gatas ayaw na po nya dumede sakin kahit anong pilit ko ayaw po nya at mas gusto na po nya sa bote. Isa rin po sa problema ko ay maliit po ang nipple ko. Baka isa rin po yun sa dahilan kaya ayaw nya dumede sakin. Mommies ano po dapat kong gawin? Gusto ko po sana si bay ko i-BF habang naka maternity leave ako, kaso pano? Huhu sayang po kasi ang gatas ko at lagi na lang basa damit ko dahil kusa na lang syang tumutulo. Need your advice mommies ?

Need help/advice mommies ?
86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan nangyari sa akin, mommy. Kami hindi ko alam na dapat Day 1 palang nagpump na ako at di na nag antay pa. Mas okay yung problem ng magatas kesa sa kulang. Kasi kahit anong expensive bottle brand pa binili ko para close to my breast yung ncipple ng bottle eh mas prinefer na ni baby yung bote. Naglactation consultant pa ako mommy para macorrect amg latch ni baby pero struggle talaga. So 2 months lang kaming mix feed then hindi ba siya naglatch after that. So then nag pump nako hanggang sa 6months si baby. Hindi ko na kinayang magpump pa ng mas matagal sa 6 months since no yaya no helper ako. Push mo lang mommy ioffer ang breast mo before mo ioffer ang bote. And watch mo yung mga cues mommy na gutom na siya para offer mo yung breaat mo pag alam mong magugutom na siya. Mahirap po kasi kapag umiuyak na tapoa tsaka palang natin papadedein. Pag gutom na talaga sila, mas mabilis for them makakuha ng gatas sa bote kaya mas ipiprefer nanaman nila yun. All the best mommy. ♥️♥️

Magbasa pa

try lang ng try ipadede sayo momsh ganyan din ako nung nanganak ako, nung una nag feed bottle kame tapos nagkasugatsugat din aken dumugo pa, pinahinga ko nipple ko ng 3to4days tapos balik sa breastfeed hahanap hanapin nya yan uurong kase yang gatas mo sa dibdib kapag di mo pinapadede ng pinapadede sa kanya. eto ako ngayon , mas hinahanap hanap na nya nipple ko kesa sa bote.🙂 nagtatyaga syang sumipsip mg sumipsip kahit sakto lang ang naiinom nya sa dibdib ko, baby boy akin kaya malakas dumede.😅 tyaga molang yan ipa breastfeed sayo, lalabas din yang nipple mo parehas tayo haha, ngayon sanay na sanay nako halos tumitirik nalang mata ko at binti ko kapag dedede saken anak ko.😂 btw, nanganak ako nung april 20.🙂

Magbasa pa
Post reply image

Try this mamshie, maliit din nipple ko so eto ang turo sakin sa hospital na pinaganakan ko sa panganay ko 3 days din bago ako nagkabreastmilk siguro dahil nagkanipple confusion c LO kaya ayaw nia sin sa breast ko bili ka ng syringe tapos cut mo ung dulo ipasok mo nipple mo and pull mo hanggang lumabas si nipple repeat repeat lang masakit kasi parang balat na sinusuck pero tyagain mo kapag napupull mo na si nipple ioffer mo na si kay baby para sya na ang mgsuck nung nipple mo and one more thing kung gusto mo talagang iBF sya lagyan mo ng motivation at dedication hindi puro dahilan na ganto ganyan tyagaan lang mamshie. . Keep safe

Magbasa pa
Post reply image

Nipple confuse na po si baby. Nung nanganak ako sabi ng ate ng husband ko wag ko muna ibottlefeed kahit nakaformula i-cup feed namin. Nung kinucup feed ko si baby naglalatch pa sya sakin. Pero nung kinalaunan naawa kmi ky baby ksi minsan d namin matantiya ung ilalagay sa cup, nagbottle na kmi then ayaw nya na dumede sakin:( d ko rin alam if mali positioning namin. Tyagaan mo lg sis if keri mo pa. Ngaun super konti nalang talaga lumalabas na gatas skin nagstop narin ako ng pump. Minsan nalulungkot ako kasi iba talaga ung sustansya ng bfeed pero chinicheer lang ako ng husband ko hwag mag give up try magpalatch.

Magbasa pa

Wag mag.alala momsh..same din tau..ganyan din aq dati after 3 days na ang milk q at ayaw nadin ni LO dumede sa akin..Timing na follow up check up q sa pedia nya..Kaya inadvise sa akin na parati lang ipadede sa baby kahit umiyak..huwag maawa..kasi na nipple confusion daw ang tawag jan..hanggang sa gutom na sya at no choice na hanggang sa dedehen na nya..aq nga nagstart aqng nagpadede ng umaga..at dumede na cxa ng 2pm..hayaan mo lang na umiyak para din nman sa kanya..nag aaway na nga kami ng partner q kc naawawa na cxa kc iyak ng iyak

Magbasa pa

Try n try lang sis..same here with my 3wks old baby..1week bago lumabas ang gatas ko..kahit gusto ko sya exclusive BF..no choice,need ko ibottle feeding para di sya magutom..nung lumabas gatas ko tnry ko sya mix feeding (bottle feeding kapag nagwawala na talaga sya at ayaw matulog)..mdyo nahirapan din ako kc mas satisfied na sya sa bottle..pero go lang padede ko sa akin..thank GOD natuto na sya..sa akin na sya nadede ngayon kahit parang pinupunit Ang pakiramdam ko kapag nadede sya.

Magbasa pa

Unli latch mo lang kay baby mommy. Wag ka muna po mag pump since kakapanganak mo lang, baka magka oversupply milk mo. Bili ka milk catcher mommy (recommended yung haakaa) para masalo mo yung nag leleak na milk, sayang din yun. Tapos yung naipon mo na milk pwede mo yun ilagay sa bote para breastmilk pa rin naiinom ni baby kahit hindi direct latch si baby sayo. Try mo din mag hand express. Search mo nalang sa youtube kung pano gawin. I hope this will help :)

Magbasa pa
5y ago

Pag nasa freezer. Max. 2 weeks. If sa ref lang 4 days. Make sure malinis preparation mo. 😁

VIP Member

Milk saver po yung shells para hindi sayang yung milk. Tapos salin lang po kayo ng salin. Day2 pagkauwi namin wala pa ako milk. Ayaw niya maglatch sa akin kasi malaki na nga boobs ko malaki pa nipple ko sanay siya sa nipple ng Avent maliit. Nagpump ako hanggang sa may lumabas sa akin tapos ngayon po milk saver nalang gamit ko hindi na ako nagppump. More sabaw Mommy, malunggay, tulya, at inumin na nakakapagpadami ng milk. 😊

Magbasa pa
VIP Member

Try mo sis maglagay ng nipple shield, ganan din dati panganay q ih, pero pede din ung syringe para mejo umangat ung nipple mo at masuck ni baby. Sa nipple shield ilalagay mo un sa ibabaw nipple mo, dapat hakab sa breast mo then pa suck mo kay baby. Ang paglilinis nun para din taipon ng bata Sa syringe tatanggaling mo yung pinakadulo sa ospital q un natutunan tinuro ni pedia. Try to search sa google.

Magbasa pa
VIP Member

Mommy try ka lang ng try ipa latch kay baby mo. Sayang breast milk mo. Ako nung after nanganak after 5 days yata ako bago nag pa breast feed. Hirap na hirap din ako.kasi ayaw din ni baby pinilit ko talaga hanggang sa natuto na siya. Mix ko breast milk tapos minsan naka formula siya.. okay naman siya. Lalong lumakas mag dede. Kailangan din niya kasi premature siya nung pinanganak ko..

Magbasa pa