Need help/advice mommies ?

Mga momsh pa help naman po. 11 days old po ang baby at ayaw nya pong dumede sakin. 3days pa kasi after ko manganak ako nagkaroon ng gatas kaya pansamantala ko muna sya pinadede sa bote nung nasa lying in palang kami dahil iyak sya ng iyak kasi walang makuha pang gatas sakin pero pinapadede ko parin naman sya sakin nun pag hindi sya naiyak. Hanggang sa nagkaroon na po ako ng gatas ayaw na po nya dumede sakin kahit anong pilit ko ayaw po nya at mas gusto na po nya sa bote. Isa rin po sa problema ko ay maliit po ang nipple ko. Baka isa rin po yun sa dahilan kaya ayaw nya dumede sakin. Mommies ano po dapat kong gawin? Gusto ko po sana si bay ko i-BF habang naka maternity leave ako, kaso pano? Huhu sayang po kasi ang gatas ko at lagi na lang basa damit ko dahil kusa na lang syang tumutulo. Need your advice mommies ?

Need help/advice mommies ?
86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan ako nung first week ni baby ginawa ko pinump ko taas pinadede ko sa kanya.. mga ilang days din un, tas after nun pinadede ko sa akin dumede na cya.. maliit din nipple ko pero ngayon ok nmn na cya

Ipump mo momsh, ganyan ginagawa ko. Nag stay sa NICU si baby nung nanganak ako for 2 days naka bottle feeding sya dun kaya nahirapan na ako ipalatch saknya. Ayun pump nlang then salin sa feeding bottle.

VIP Member

mag pump ka nalang mommy and yung ma collect mo na milk ei pa inum mo kay baby baka kasi nasanay siya sa nipple ng bottle .. pero mas mabuti try mo padin pa dedein sayo mommy para bonding nyo narin

Try mo po ang sandwich hold mamsh para ma guide sya sa pag latch nya , and try and try lang ksi same tayo ng nangyari kasi after 3 days din ako bago nagka gatas. Wag mawalan ng pag asa mamsh , FIGHTING!

5y ago

Wag na wag po kayo mag pump dahil mag ooversupply ka po dahil wala pa 6 weeks si baby , nag ccause pa ng milk ducts yan mamsh .

VIP Member

Tyagain mo lang sis at I-collect mo ung tumutulong milk sayo, every drop counts. Unti untiin mo lang si baby, if magtrabaho ka ulit mas okay if magpump ka para milk mo pa rin ipi- feed kay baby.

Baka ksi nasanay na sya sa milk sa bote mommy . Try mo magpump then saka mo padede sknya. Minsan ksi ganun si baby e , ayaw na nya ng ibang milk pag nakatikim na sya ng milk na una mo pinainom.

3 times a day pumping momshie.. Ginawa ko talaga Yan kahit subrang sakit. Kaso need ilabas ang nipple Para ma suck ni baby. At hayaan mo din sia na gutumin at sayo mo agad pa dede wag sa boti.

same case tau sis.kya gnawa ko nag breast pump na lng ako pra madede nya pa din ung gatas ko khit nsa bote..pro tnry ko pa din sya ipadede sa breast ko..mga 1 month bago sya dumede sa akin.

If ayaw sa dede mo mumsh mag pump ka po. Pero try mo pa rin ipadede si baby sayo para masanay. 2 weeks kapag ayaw niya pa rin sayo i bote mo nlng. Do't give up mommy para kay baby...

VIP Member

Watch ka momsh sa youtube ng proper latch ng breastfeeding. Ganyan din ako sa baby ko nung unang month pero after macorrect ako ng pedia doctor sa pag latch, mas unlilatch na si lo ko