Need help/advice mommies ?

Mga momsh pa help naman po. 11 days old po ang baby at ayaw nya pong dumede sakin. 3days pa kasi after ko manganak ako nagkaroon ng gatas kaya pansamantala ko muna sya pinadede sa bote nung nasa lying in palang kami dahil iyak sya ng iyak kasi walang makuha pang gatas sakin pero pinapadede ko parin naman sya sakin nun pag hindi sya naiyak. Hanggang sa nagkaroon na po ako ng gatas ayaw na po nya dumede sakin kahit anong pilit ko ayaw po nya at mas gusto na po nya sa bote. Isa rin po sa problema ko ay maliit po ang nipple ko. Baka isa rin po yun sa dahilan kaya ayaw nya dumede sakin. Mommies ano po dapat kong gawin? Gusto ko po sana si bay ko i-BF habang naka maternity leave ako, kaso pano? Huhu sayang po kasi ang gatas ko at lagi na lang basa damit ko dahil kusa na lang syang tumutulo. Need your advice mommies ?

Need help/advice mommies ?
86 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

5 days old p lng lo q..at ngaun lng xa dumedede sa aqn...nhirapan aq nong una kc ayaw nya talaga..kc 2 days aq wala png gatas kya nsanay xa sa medicine cup ang gamit..ang gnawa q po b4 xa dumede sa cup pinipilit q xa sa dede q pra mfamiliar nya p rn..aq nga prob kc mlaki nipple akala q un dahilan kya ayw nya dumede..try m lng momsh for familiarization lng po..

Magbasa pa

Hayaan mo Lang sya mag latch sayo mamsh kahit tumatanggi sya, pag nagutom sya de Dede din sya for sure in. Tiisin mo muna Kung mejo umiiyak iyak at tumatanggi. Baby pa sya Kaya Ng instinct nya pag nagutom ay de Dede. Nagustuhan nya Lang siguro ung formula milk Kasi mas matamis un. Pero pag pinilit mo syang pa dedehin sayo matu tuto din po Yan. Tyaga lang mamsh

Magbasa pa

Same situation before sis :( Nakaka sad na ayaw niya. Lagi pa kami nag aaway ng baby ko, kasi kahit anong pilit ko ayaw parin niya isuck.. Wala din ako nipple kaya i bought a nipple shield so that maybe baka gustuhin since yun nga nakasanayan niya yung nipple bottle. But still, ayaw niya 😥 at iyak pa sya ng iyak..

Magbasa pa
5y ago

Ilang months na baby mo momsh?

Mag breast pump ka na lang po. Or bili ka ng nipple shield.. yung ginawa ko naman sa nipple kong inverted para lumabas yung ginamit kong pinaka pump yung 10cc na syringe. Pinutol ko lang yung dulo doon banda sa may karayom. Pero syempre hindi agad agad yung pag ulwa nung nipple.. matagal din.

Try mo magpump Mamsh tpos lagay mo sa bote. Ganyan ginawa ko sa baby ko nung 1week old palang sya kase hindi nya kaya yung gatas na lumalabas sa dede ko. Pinump ko muna kase masakit rin kapag naipon ung gatas. Tapos try mo lang ng try magpadede. Baby ko ngaun mixed sya kse may work din ako.

ipa latch mo lang sa kanya nipples mo then pa assist ka sa husband mo na habang nilalatch nya ung nipples mo eh pinapatakan nya ng gatas gamit ang dropper or kutsara para mapractis c baby na may nakukuha syang gatas sa nipples mo... meron sa youtube mga tutorials.. tyagaan lang yan

Ganyan din ang situation namin a few days ago momshie. Ang ginawa ko, gumamit ako ng breastpump then pinapadede ko kay gamit ang bottle hanggang sa lumaki/lumabas ang nipple ko. Try nyo rin po ipalatch si baby sa nipple nyo from time to time hanggang sa masanay sya.

TapFluencer

Relate much ako momshie, pinalatch ko sya nung una kaso hirap tlaga gawa maliit nipple ko tsaka unti pa supply ng breast ko kaya ang tendency nag formula na ko kaso yun nga d na tuloy sya nadede sakin nasanay na sa bote mag iisang buwan na sya bukas.

VIP Member

lagay mo nalang sa bote mamsh pwde naman yun sa bottle yung milk mo. Pero pa-latch para lumabas ng lumabas yung milk saka makakasanayan din yan ni baby nung una talaga ayaw kasi hindi sila nasanay and first time dumede sayo, masasanay din yan.

VIP Member

Nipple Confused po kasi si Lo, try niyo po sandwich hold (search sa youtube paano proper latch) , try niyo patakan muna gatas niyo habang nakatapat sa bibig ni baby para maengganyo siya then bigla niyo ioffer boobs niya pagopen niya ng mouth

5y ago

Di rin po advisable magpump, magoover supply ka sa milk at i swear di mo gugustuhin kapag sobrang engorged na breast mo. Normal po na marami talaga milk kapag bago panganak kasi di pa alam ng katawan natin kung ilang milk ang isusupply niya parang law of demand and supply po kasi yan. Join breastfeeding pinays po sa FB group dami niyo po matutunan about breastfeeding.