21 weeks preggy laging nagheaheartburn

hello mga momsh.. pa advice po sna.. ? 21 weeks qna lagi aq nagkakaheart burn lalo na pag iniinom q vitamin q may folic acid po kc sya kc kailangan yun sa preggy.. ano po kinakain or iniinom neu pra po mwla paghaheartburn??

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Pinakamalaking problema ko to noon. Hanggang manganganak na lang ako grabe pa rin heartburn ko. Sabi ng OB ko pwede naman ang Gaviscon. Pero ako nun hindi ko ininuman ng gamot. More more water lang. Kaso more more ihi rin hahaha 😂 saka pag nakahiga ako naghahanap ako ng pwesto na narerelieve ako. Sabi nila left side daw humiga, kaso mas nagha-heartburn ako nun kaya sa right side ako nakahiga. Dapat din elevated ulo mo pag nakahiga para hindi umakyat sa lalamunan mo ung acid. Try mo rin alamin observe mo ung mga kinakain at iniinom mo, baka naman hindi sa vitamins yan. Nung ako kasi ang trigger ko ay dairy products. Pero actually kahit hindi ako kumain or uminom ng may dairy nagha-heartburn talaga ako pag gabi na at matutulog na. Kung ung vitamins talaga, palitan mo. Hindi naman kailangang ung mismong reseta ang iinumin mo, ang importante folic acid din sya.

Magbasa pa