HALIK NG HALIK KAY BABY!!!

mga momsh okay lang ba na mainis ako? kase yung lola nung hubby ko hinalik halikan yung baby ko, yung halik na may kasama pang parang inaamoy yung pisngi ni baby, kanina kasi umaga ang kinis ng mukha ng baby ko, maya maya nag ka butlig at onting rashes nanaman. kakahalik siguro di naman ako makaangal kasi baka magalit sakin, matampuhin kasi yon, tapos mga momsh kaya ako nag aalala nag yoyosi kasi sya, yung lola nung asawa ko. nag yoyosi sya pero after naman nya nag aalcohol sya tapos iuugoy na niya sa duyan ang baby ko. kaya di din ako makaangal e natutulungan ako sa pag aalaga. kaso momsh ayan o parang may itim tuloy sa face nya naiiyak nlng ako habang nililinisan ko sya sa mukha ? sensitive kasi ang baby ko. sensitive balat nya sabi kasi ng pedia niya pag may history ng skin asthma or hika ang nanay sensitive ang baby. nakakainis talaga pag may humahalik sa baby nyo no? relate po ba kayo? huhu

HALIK NG HALIK KAY BABY!!!
71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Im so proud if u momsh you have great self control! Keep it up! Isa yan sa magandang maituturo mo sa baby mo habang lumalaki. Mahirap ung gnyan pero kung madadaan nga sa pagsasabi kahit palambing baka nmn makuha mo loob ni lola. Like pag kinikiss nya si baby pwedeng malambing ka magsabi na "luv na luv sya ni lola oh.. Pero wawa nmn pisngi ko lola.."sabay tawa.. Try mu lang. Pag hnd p dn, di nmn ganun kalala, makakapag adopt dn ang immunity ni baby plus lalakas pa ung resistance lalo na kung complete vitamins nmn. Lilipas din ung gnyang episode.. Luv u sa inyo ni baby... 😘

Magbasa pa
6y ago

super mapag pasyensya po talaga ako lalo na pag dating sa pamilya ni hubby haha para bang di ko po kaya magreklamo kasi mababait naman sila, yun nga lng po yung paghalik at pag hawak hawak ng mga pinsan dn ni hubby na bata syempre galing po school nakakailang pag hahawakan nila baby mo