HALIK NG HALIK KAY BABY!!!

mga momsh okay lang ba na mainis ako? kase yung lola nung hubby ko hinalik halikan yung baby ko, yung halik na may kasama pang parang inaamoy yung pisngi ni baby, kanina kasi umaga ang kinis ng mukha ng baby ko, maya maya nag ka butlig at onting rashes nanaman. kakahalik siguro di naman ako makaangal kasi baka magalit sakin, matampuhin kasi yon, tapos mga momsh kaya ako nag aalala nag yoyosi kasi sya, yung lola nung asawa ko. nag yoyosi sya pero after naman nya nag aalcohol sya tapos iuugoy na niya sa duyan ang baby ko. kaya di din ako makaangal e natutulungan ako sa pag aalaga. kaso momsh ayan o parang may itim tuloy sa face nya naiiyak nlng ako habang nililinisan ko sya sa mukha ? sensitive kasi ang baby ko. sensitive balat nya sabi kasi ng pedia niya pag may history ng skin asthma or hika ang nanay sensitive ang baby. nakakainis talaga pag may humahalik sa baby nyo no? relate po ba kayo? huhu

HALIK NG HALIK KAY BABY!!!
71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

salamat po sa mga sagot nyo mga mommy jusko di talaga ako makapag salita eh, di po kasi ako ganon 😭 mahiyain din po pag dating sa pamilya ng hubby ko. eh jusko ako nga dko mapang gigilan ng halik ang anak ko tapos yung lola pa na nag yoyosi pa ha. eto nga sabi nag alcohol na daw sya. eh naamoy ko pa dn syempre dba matindi amoy ng yosi kahit nag alcohol kapa. humalik nanaman jusko gusto ko na sumigaw, nag paparinig na nga ako na sensitive ang skin ng anak ko humalik pa din grabe!!

Magbasa pa
6y ago

Yes po, baka hindi na tayo papansinin..