HALIK NG HALIK KAY BABY!!!

mga momsh okay lang ba na mainis ako? kase yung lola nung hubby ko hinalik halikan yung baby ko, yung halik na may kasama pang parang inaamoy yung pisngi ni baby, kanina kasi umaga ang kinis ng mukha ng baby ko, maya maya nag ka butlig at onting rashes nanaman. kakahalik siguro di naman ako makaangal kasi baka magalit sakin, matampuhin kasi yon, tapos mga momsh kaya ako nag aalala nag yoyosi kasi sya, yung lola nung asawa ko. nag yoyosi sya pero after naman nya nag aalcohol sya tapos iuugoy na niya sa duyan ang baby ko. kaya di din ako makaangal e natutulungan ako sa pag aalaga. kaso momsh ayan o parang may itim tuloy sa face nya naiiyak nlng ako habang nililinisan ko sya sa mukha ? sensitive kasi ang baby ko. sensitive balat nya sabi kasi ng pedia niya pag may history ng skin asthma or hika ang nanay sensitive ang baby. nakakainis talaga pag may humahalik sa baby nyo no? relate po ba kayo? huhu

HALIK NG HALIK KAY BABY!!!
71 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

iniiwas ko din sis pahalikan si baby kahit 14months na sya lalo yung mga nagsisigarilyo. One time yung kakumare ni mama paglapit halik agad sa anak ko eh amoy sigarilyo jusq kinabukasan andami butlig sa leeg at balikat tapos konting tubig.. Tsaka masama din yung second hand smoke yun isa sa mga reason bat inuubo ang baby lalo kung kasama sa bahay

Magbasa pa
5y ago

di ksi nila alam na sensitive ang baby e mga basta halik akala mo sila mahihirapan