Mga momsh nawawalan na talaga ako pag asa sa relasyon namin mag asawa matagal ko na tinitiis ugali ng asawa ko para lang sa anak namin?
Nambabae na sya,nasaktan nya na ko physical pero hindi malala...
Araw araw nag aaway kami alam naman nya punot dulo ng pag aaway namin kasi ayaw nya umalis dito sa puder ng magulang nya ang problem ko magulang nya dahilan bakit madalas ako nagkakasakit.
Sabi ng dr.sakin.
Private dr.
Sa center.
Kumain daw ako ng kumain magpahinga ako.
Kaso gusto ng inlaws ko uuwe sila dito may pagkain na malinis bahay paano ako mga sis magluluto wala naman iluluto malayo palengke dito sa kanila kaya hiniling ko kay hubby maggrocery kami ng pang ulam for 15 days.
Ayaw naman ni hubby kasi masasanay daw mga kapatid nya na kami bumibili palage.
Kapag nag aaway kami palagi nya sinusumbat wala akong kwentang asawa kaya napagsasalitaan ko din sya ng masasakit.
4months after ko manganak mga sis napaisip ako magpakamatay nalang kasi lubog na lubog na ko.
Wala ako malapitan kasi malayo ako sa family ko.
Ayaw ko din na isipin ako ng mama ko kasi highblood sya baka lalo mahighblood..
Haizt lahat nalang pag unawa ginawa ko pero ginagawa parin nya mga ayaw ko.
Like.
Sisigawan nya ko kahit sa maraming tao
Pagdadabugan nya ko.
Mag jowa palang kami pinakita ko sa kanya ugali ko bago kami ikasal kinausap sya ng family ko na.
Mahaba pasensya ko hindi ako mananakit hanggat hindi ako sinasaktan.
Pero kapag yan tinapaktapakan mo dyan lalabas ugali nyan may ugali yan na saktan mo sya physical triple balik sayo.
At sa lahat napakalas nyang mang bwisit kay sabi ko sayo wag mong bwisitin yan kasi sa huli ikaw lang maiinis hindi pikon yan at kung mapipikon man yan hindi nya ipapakita sayo yun para lalo kang mainis sa kanya.
Pero ewan ko ba sa asawa ko tanggap naman daw nya ko tapos nalaman ko sinabihan sya ng nanay nya na bakit ako pa..