VITAMINS.

mga momsh nasearch ko lang ngayon na bawal pala pag sabayin ang ferrous ska yung antacid na calcium ba yun.. e minsan nasasabay ko sila kase nakaka limutan ko minsan.. Di kaya maapektuhan si baby nun???? may side effect kaya skanya un na pinagsabay ko inumin,kahit araw araw ako magtake vit.Ftm

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Tinanong ko po yan sa OB ko. Kasi minsan po pag nakakalimuta kong inumin si Calcium carbonate ng umaga sabay nlng pag gabi. Sabi po sakin pag nag sabay daw po yung vitamins isa lng po ang maa absorb ng body mo, yung isa idudumi mo lng din, sayang daw po yung gamot kasi parang isa lng yung ininom mo. Dapat daw po pag nakalimutan ko at least 1 hour na pagitan bago po ako uminom ulet ng isa pa.

Magbasa pa

Wala namang side effect kay baby. Pero nawalan din ng bisa ung dalawa kasi contradicting ang effect nila sa katawan. So sayang lang, di naabsorb ng katawan mo papunta kay baby ung benefits nila.. mag alarm ka nalang mommy kung kwlan mo itake each para di mo makalimutan. Un ang nakatulong sakin noon para di makalimutan meds.. nakaka ulyanin kasi tlga magbuntis dahil sa hormones hehe

Magbasa pa

Bawal po pagsabayin kasi bino-block ni calcium si ferrus. Ang mangyayari Momsh, hindi maa-absorb ng katawan mo ang ferrus totally. Kaya bawal magmilk pag iinom ka ng iron supplement. And ferrus should be taken one hour before meal or 2 hours after meal. Mas naa-absorb siya ng katawan if medyo acidic stomach natin.

Magbasa pa

Take nyo na lang po yung calcium at least 30 minutes before or after folic acid nyo. Ang ginagawa ko naman during the day, I take my vitamins then at night before ako magsleep, dun ako nagddrink ng milk. Yun kasi nirecommend ng OB ko sakin for my calcium intake naman hehe

Hala ganun pa naman ang ginagawa ko pinagsasabay ko sya sa gabi kasi yung calcium 2x a day sya iinumin after ko mg meals dko sya naiinom kaya sa gabi ko sya tinatake sabay ang ferrus 😟😟 bawal po pala yun haist

Ang advice skn ni doc separately ko inumin yung calcium at ferrous kasi parang icacancel out nya yata yung dapat na effect sa atin. Therefore parang walang silbi na yung isa pag ganun.

Saken po pinag sabay ko ung dalawa 😱 Yun Sabi ng. Midwife sa center namin. Ehh. Pagkatapos ko. Daw kumain. Inom daw ako nung dalawa. Di. Ko Alam. Kung masama. Ba Yun.

ang calcuim 3xa day inumin tas ferous minsan lng before matulog dapat pag uminom ka ng cal. mag gap cla ng 2 hrs bago yung ferous yan kc sabi sa akin ng center

Sakin naman po morning ang calcium ko after meal, then ferrous+folic after lunch, then ferrous+vitamin c after dinner, every 6 hours ako umiinom kasi 3x a day eh

Pinagsasabay ko din ininom Ang dalawa kasi nakakalimutan ko.Ang calcium na dapat lunch ko iinumin ay nasasabay ko sa ferrous sa Gabi.