problema sa byenan

Mga momsh, maglalabas lang ako ng saloobin. Hirap kasi nung byenan ko e. Alam kong bawal ang tubig sa baby lalo na ang baby ko wala pang isang buwan. Pero pinapainom nya pa rin. Kaya ngayon basa lagi sa pawis anak ko at panay ihi. Tapos pinapainom rin nya ng katas ng ampalaya di ko alam kung pwede yun sa baby. Yung tiki tiki rin gusto nya ilagpas sa 0.25 ml yung sukat kasi wala naman daw kaso kung damihan dahil vitamins lang naman daw yun. Naiinis na ko mga momsh kasi nahihiya rin ako pagsabihan baka magalit. Hays. Tapos minsan pag umiiyak si baby tapos hindi ko mapatahan, kinukuha nya bigla sakin. Feel ko mga momsh pinaparamdam nya sakin na wala akong kwentang nanay, na di ko kayang alagaan anak ko. Nakakadepress lang. May minsan pa na nilalaro ko ang anak ko. Karga karga ko gusto nya agad kunin sakin e nag eenjoy pa kong laruin anak ko. Nakakainis mga momsh. Hindi ko rin masabi sabi sa asawa ko kasi sumusunod lang din sya sa gusto ng nanay nya. Hays. Di rin kasi ako makauwi samin dahil tawid pa sa dagat yun.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hello mommy, ganito po gawin nyo pra po di ma hurt byenan mo kausapin mo xa ng maayos sa mga dos and donts pra ky baby, bawal po tlga ang water sa baby lalo na pag pure BF up to 6months po yan kung mix feeding ka nmn up to 3months di pa pwede... and then, kahit vitamins po pag pure BF mga after a year na kasi mrami na vits ung milk natin. Sobra2 na un except for vit d and iron so need mo xang paarawan sa umaga at ung iron mkukuha nmn yan sa rice na kinakain natin. So gnun po. And bka kasi feeling nya wala kang alam sa pag aalaga ng baby kaya todo hands on rin xa.. dpat po mging open minded kayo sa isat isa.. wag kna po ma stress kausapin nyo po xa in a nice way. Gnun tlga mga byenan nakikialam pero wag pa rin tayo mgtanim ng galit po kasi parents pa rin natin cla. Biblical po yun.. goodluck mommy . and Godbless

Magbasa pa