problema sa byenan

Mga momsh, maglalabas lang ako ng saloobin. Hirap kasi nung byenan ko e. Alam kong bawal ang tubig sa baby lalo na ang baby ko wala pang isang buwan. Pero pinapainom nya pa rin. Kaya ngayon basa lagi sa pawis anak ko at panay ihi. Tapos pinapainom rin nya ng katas ng ampalaya di ko alam kung pwede yun sa baby. Yung tiki tiki rin gusto nya ilagpas sa 0.25 ml yung sukat kasi wala naman daw kaso kung damihan dahil vitamins lang naman daw yun. Naiinis na ko mga momsh kasi nahihiya rin ako pagsabihan baka magalit. Hays. Tapos minsan pag umiiyak si baby tapos hindi ko mapatahan, kinukuha nya bigla sakin. Feel ko mga momsh pinaparamdam nya sakin na wala akong kwentang nanay, na di ko kayang alagaan anak ko. Nakakadepress lang. May minsan pa na nilalaro ko ang anak ko. Karga karga ko gusto nya agad kunin sakin e nag eenjoy pa kong laruin anak ko. Nakakainis mga momsh. Hindi ko rin masabi sabi sa asawa ko kasi sumusunod lang din sya sa gusto ng nanay nya. Hays. Di rin kasi ako makauwi samin dahil tawid pa sa dagat yun.

29 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabihin mo yung saloobin mo Momsh kung magagalit sya isama mo sya sa check up ni baby para si Doc yung magexplain sa kanya.

Thankful na lang talaga ako at mababait in-laws ko. Pero kung ganyan. Baka mawala tung salitang Respeto. 😑

VIP Member

Isama mu mnsan s chekup mu pra alam nya lhat ng bawal at nd s baby mu.. Hirap kasi ung ganyan..

5y ago

Pinaka magandang paraan is ipakausap niya sa pedia niya. Ipaexplain niya lahat. Para marinig ng pedia niya ano ang pwedeng mga maging epekto sa baby pag nagpumilit siya. Para naman matauhan si biyenan. Di porket gusto niya,yun ang nakakabuti sa baby.

naku sis kahit magalit byenan mo hayaan moxa . kakasanayan kalang nyan na xa masusunod..

delikado ginagawa nya sa baby mo, mamsh. paglaban mo baby mo.

Kausapin mo xa ng mahinhin .. Ilabas mo saloobin mo..

Sabihan mo yung father in law mo. Para sya kumausap

Leave them alone, hayaan mu sila

Mahirap talaga pag ganyan