Payslip/Salary

Mga momsh isinusurrender din ba ni mister sainyo yung payslip nya at binibigay ung buong sahod nya? Kung oo, Do you think healthy ba ito sa relasyong mag-asawa at kung hindi naman. Bakit?

80 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

hawak ni hubby atm at sweldo nya pero bnbgay din nya saken sahod nya para sa mga bayarin. ayoko din naman hawakan atm nya. as long as d naman sya nagkukulang samin financially.

Surrender sakin lahat ng sahod nya ako kase nagbabudget. I think depende naman yan sa paguusap nyo you just really have to communicate wala naman masama. 😉

VIP Member

minsan lang sis pinapakita niya wala lang naman sa akin kasi may sarili ako pera may work din ako hehe. Hindi nya bnbgay buong sahod niya bbgyan nya lang ako

diko sya pinapakelaman sa pera nya. kanya ang payslip at atm. at ganun din saken. basta di namen mapabayaaan mga nakaasign na bills samen. all is well,, walang kwentahan. 😌

VIP Member

pinapakita nya lang sakin pagkakuha nya ng sahod nya. tpos ayun tinatabi namin. kaso ngayon wala silang trabaho hindi pa sila pinapayagang magbukas gwa ng pandemic. hays

No, I have my own salary kaya no need na. Nagshe-share kami sa expenses. Ayoko maging dependent sa asawa para pag nag away kami kayang kaya ko sya layasan, char 😅

yes for me ok lang nman kasi yung hubby ko lahat ng sahod nya sa akin nya binibigay pati atm nya ako pinapahawak nya at wla nman problema

Samin ni Hubby, Binibigay nya lang is pang budget namin sa Bahay. di ko na pinakekelaman yung payslip nya. Sinasabi naman nya kung magkano sinasahod nya.

VIP Member

oo binibigay nya lahat ng sahod nya sakin tapos manghihingi lang sya ng pera nya pero nasakanya yung atm para kung may biglaan syang bibilhin mabili nya

VIP Member

Yes mamsh..atm nsa akin then aq nagbibigay Sonya ng allowance nya..it's healthy kc nirerespeto niya pagiging misis and ilaw ng tahanan..