Payslip/Salary
Mga momsh isinusurrender din ba ni mister sainyo yung payslip nya at binibigay ung buong sahod nya? Kung oo, Do you think healthy ba ito sa relasyong mag-asawa at kung hindi naman. Bakit?
Yes, nasa akin ang atm nya, payslip pati sidelines nya binibigay nya saakin. In return naman binibigyan ko sya ng list of expenses and savings. Hindi nya naman hinihingi yong list pero ginagawa ko lang para naman alam nya saan napupunta yong income nya.
ayaw kung kunin gusto ko xa mgkusa...syempre binubigay padin naman nya lahat ng pangangailangan namin ng baby namin..xa narin kasi nag gogrocery kasi mahirap din magdala ng mabigat at may baby pa..kaya xa nalng pinapagawa q ng mga lakad q dapat...
Yes always. Pati atm and online banking surrender. Alam din nya ang online banking at atm pw ko. Depende naman yan sa usapan ninyo magasawa. But for me, healthy sya dahil mostly pinag aawayan ng magasawa either third party, sugal or pera or other issues.
need nya pakita sa Akin payslip kung tama sa sahud nya. para madouble check ko kung tama. at walang ibang pinagkakagastusan. then kanya na ulit pera nya. my sarili nmn ako pera. tas magbbgay lang sha pang expenses. at pang savings sa banko..
Kanya kanya kame ng pera.ayoko kasi na nauubusan sya ng pera kaya di ko kinukuha pera saka,mas malaki naman sinasahod ko sa kanyA.pero mas magaling sya magtipid sa pera. Nagkukusa din sya sa groceries at diapers and milk ni baby.
nasa akin atm nya,pero dalawa kaming nagwiwithdraw lagi every payday nya, nasa akin din ang sahod , humihinge lang sya ng pang budget nya, sya yung nagdecide na ako humawak ng pera , di daw kase sya marunong magbudget hahaha
Sakin binibigay nmn niya sahod niya kasama payslip pero hindi lahat ng sahod niya nasa akin kasi kumukuha siya budget niya para sa isang linggo. Na ok nmn sakin para di siya mkautang s tindahan. Hehe
sa akin ok Lang may tiwala naman ako sa asawa ko at nakikita k din namn mga ginagamtan nya. minsan nga dina ako nag tatanong sa sahod Niya pag binibigay niya na lang doon ko naiisip na sahod na pla. 😂
samin naka fix na po kumukuha lang sya allowance nya tapos sakin na lahat, kung may babayaran mga utang dun n ibabawas. di ko na rin po hinahanap pay slip. para sakanya kasi nagmumukhang walang tiwala eh.
Yes mamsh open ung hubby ko saken even sahod kht di ko hingin bigay lahat saken. Minsan ako pa nagwi widraw.. Nanghihingi lng sya saken kpg may bibilhin o bbyaran sya sa store nla..