asawa

Hi mga momsh. ? gusto lang sana humigi ng advice about sa married life. Bagong kasal palang kami ng asawa ko at may baby kami na one month old. Nabuntis ako bago kasal, now hnd kami magkasama sa iisang bubong ks nag wowork sya sa manila at nag rerent doon, samantalang ako nakatira ako sa parents ko. Wala akong work kya full time mom ako sa baby namin. Simula nong pinanganak ko baby namin madalas kami mag talo tungkol sa pag aalaga skanya. Dumating na sa point na gusto ko ng makipaghiwalay kaso na iisip ko ung baby ko ayaw ko syang lumaki ng walang papa. Pero hnd ko na kyang pakisamahan ung asawa ko. Bukud sa pag aaway namin sa pag aalaga ng baby. Nag kakaproblema din sa financial dahil mas sinusuportahan nya ung parents nya kesa samin. Hnd ko alam anong gagawin ko?

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mhrap tlga yan momsh. Lalo na pag d kau magksama. If u dont mind ilang taon nba c mister? Baka nasanay sa buhay binata. Sana hnd ka muna nagpakasal kung hnd dn nman pala kau magsasama at bubukod. Mdme ako kilala na ganyan e kinasal dahil nabuntis tapos magsisisi. Mas ok pa na hnd kasal kesa nman pra lang masabi na may tatay ang bata.. feeling ko hnd pa yan ready magasawa. Lalo na maging tatay...

Magbasa pa

Pagusapan niyo lang po ng maayos momsh. Magplan kayong bumukod at magsama. Mahirap po talaga yung magkahiwalay. Kulang lang siguro kayo sa planning at usap. Try to fix it ng kayong dalawa, dont make decision po pag nasa peak kayo ng emotions niyo or kung galit kayo. Baka pagsisihan niyo lang.