MIL
Mga sis pa share ng sama ng loob, kasi hanggang nung nanganak ako last month naiinis na ako sa MIL ko, napaka pakialamera nya sa baby ko mas gusto nya sya ang masusunod sa pag aalaga ko sa baby ko. Nakasiping kme sa iisang bubong kasama asawa ko, nah iisang anak lang kasi sya. Nunh kinasal kme ng asawa ko ang dami nya plano samin, pati pag sahod ng asawa ko sya nag babudget (tama po ba yun kasi ako ang asawa?), kesyo dw sya naman ang talaga nag babudget ng kinakaen nmen, de ako naman si oo kasi nahiya naman ako sa kanya. Pero ngayon na lumabas na baby ko parang hnd ko na kaya mag sunud sunuran pa sa kanya, sobra nako na sstress, nahiya naman ako mag open sa asawa ko kasi baka mas kampihan nya mama nya, unico ijo lang kasi to. Gusto ko na sabihin sa asawa ko na bumukod na lang kme para makakilos ako maayos at matuto kmi sa buhay bilang mag asawa, pkiramdam ko kasi hnd kme matuto hanggat ang MIL ko ang nasusunod, By ths way independent kasi ako mula dalaga pa ako sanay ako magwork malayo at buhayin sarili ko, pero asawa ko sobra dependent sa mama nya, hirap pala kapag hnd kayo magkasundo sa mga gusto nyo. Ano po kaya mainam mga momsh, bubukod na po ba kme? 1month pa lang po baby ko. Help me mga momsh, wala ako mapagsabihan bigat ng nararamdaman ko, ayaw ko magsumbong sa family ko kasi mag aalala sila. Alam ko dto sa apps nato matutulungan nyo ko makapag isip maayos. Salamat advance po.
First Time Mom!