hiwalay

Mga momsh gusto ko na makipaghiwalay sa asawa ko kasal po kami sobrang puno na po kasi ako napakatamad.!masipag po sya dati mabait maalaga sa kanya ko nakita mga hinahanap ko sa mapapangasawa ko kaya pumayag ako magpakasal. Pero lahat po yun nag iba simula nung nag ka anak kami dito muna kami tumira sa kanila pero ang nangyare po umasa sya ng umasa sa magulang nya pinag aral sya hindi naman sya pumapasok sa work ayaw din nya pumasok tapos panay hingi pa ng pera para sa motor nya. Kapag pinagsabihan mo sya pa galit palaging nakahilata dito sa bahay. Hiyang hiya na po ako sa inlaws ko kasi pati diaper ng anak ko sila bumibili kaya matagal ko pinag isipan na makipag hiwalay na sa asawa ko pero kapag nakikita ko anak ko naiisip ko kawawa sya kasi atleast dito sa kanila maayos buhay ng anak ko. Kapag umuwe kami sa probinsya mas kawawa anak ko kasi tagpi tagpi lang bahay namin dun walang maayos na mahihigaan sensitive pa naman po balat ng anak ko kaya mga ginagamit nya sa katawan medyo mahal mabilis po sya magkarashes. Sobrang payat ko na po kakaisip sa mga nangyayare dati na 50kl ako bumagsak sa 43kl nalang. Sawa narin po ako pagsabihan asawa ko na magsumikap kumayod kung ayaw mag aral. Naranasan ko na pati napkin ko po hiningi ko sa byenan ko sobrang hirap po.???

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pag-isipan mo po munang mabuti bago ka dumating sa point ng pakikipaghiwalay. Subukan mo po siya ulit kausapin ng masinsinan. Tanungin mo po siya kung ano ang nangyayari sa kanya. Bakit bigla siyang nagbago? Kung may prob. Ba siya? Baka kaya pa sa usap ang prob. Mo po.

5y ago

Kinausap ko po sya momsh about sa mga nangyayare sabi nya napapagod na daw sya hanggang kaylan daw ba sya magtatrabaho gusto daw nya matulog ng matulog uminom magchill. Sabi ko sa kanya darating din kami dyan kapagnagsumikap kami. Ang sinagot po nya sakin. Nararanasan na daw nya ngayon dahil sa magulang nya.