Nagseselos ako kapag may ibang taong close sa anak ko. Wala akong choice kasi nagtatrabaho ako.

Normal lng po ba na makakaramdam ako ng selos sa ibang tao? Pag inuuwi nila yung anak ko sa bahay nila para makipaglaro, lalo nong wala kami pareho ng asawa ko. Kasi nasa manila kami nagtatrabaho. Sila yung mga nag-aalaga sa anak ko, kahit sa magulang ko, pinaalaga rin namin ang anak ko. Naging malapit ang loob ng anak ko sa kanila at nong umuwi na kmi, nakikita kong bihirang pumunta ang anak ko sa amin kasi pag nakikita sya ng anak namin pumupunta sya dun sa tao na yun. Nanay din po sya na may anak pero hindi sa kanya galing. Hindi ako natutuwa sa tuwing magpapansin sya sa anak ko, feeling ko inaagawan nya ako ng atensyon sa anak ko at hindi sya sensitive sa feelings ko bilang magulang. TY❤️ #howtobecomeagoodmother

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Para po sa akin ay normal po ang nararamdaman nyong selos but I hope you wouldn't take it personally against sa tao na iyon or sa anak nyo. Hindi lang po talaga maiwasan dala ng sitwasyon pero sana rather than selos ay matutunan nyong mapalitan ang damdamin nyo ng pasasalamat, lalo na kung maayos at maganda naman ang trato nya sa inyong anak. Ako rin minsan ay nagtatampo kapag may times na mas gusto o hinahanap ng anak ko ang yaya nya, pero I don't take it against kay ate. Rather, na-appreciate ko at nakikita ang pagmamahal at malasakit na ibinibigay nya sa anak ko. And that also motivates me to do better as a mother at mas makipagbonding sa anak ko ☺️

Magbasa pa
10mo ago

cguro kasi depende sa sitwasyon. saken kasi magiging full time mom na ako, and ang gusto ko sana bigyan nya ako ng time na ako naman ang makakasama ng anak ko at ako na rin ang magdidisiplina. may times kasi kahit nagpapakain ako sa anak ko, tatawagin nya so yung anak ko pupunta din sa kanya, minsan kinukuha nya ng walang pahintulot sakin. nakakawala ng respeto for me. ty po sa comment

For me momsh, normal po yang nararamdaman mo and Im sure na you are doing your best for your child, and isipin na lang natin na atleast maganda turing niya sa child mo. Maybe bond with your kid more momsh, maglaan ka po ng time or play kayo together. Also momsh confront that person na please alamin niya lugar and limit niya pag nandyan ka kamo wag muna siya umeksena. charr! Pag feel mo naman na sinasadya niya umeksena everytime, di ka nagkakamali ng intuition, ipadistansya mo na yan momsh. Pag naalagaan mo ng full time ang anak mo, malalagay din loob niya and trust niya sayo.

Magbasa pa
10mo ago

yes momsh. I'm learning to say "no" talaga pag gusto nilang kunin baby ko. minsan pag aalis sila ipapaalam nila sa mama ko na dadalhin nila. nainis ako kasi andun ako bat di sila sakin magpaalam. ayun sinabi ko na, wag na po, dito lng anak ko. wala akong lakas ng loob na masabihan sila kasi mas matanda sila sakin hehe. thanks momsh sa pag intindi. sadyang maepal sila porke nakasama nila baby ko habang lumalaki hahaha. sana maging sensitive nlng sila.

TapFluencer

bigyan mo po siguro ang anak mo mi ng quality time..ikaw naman ang nanay sa'yo pa rin ang loob niya pag bibigyan mo lang talaga siya ng panahon na makapgbonding kayo..lumayo lang naman siguro sa'yo kasi yong tao na yon ang nakakasama niya lage..it takes time pero give it a try..ikaw lang naman siguro ang hinahanap ng bata..bigyan mo lang ng oras at panahon na hinihingi sa'yo babalik at babalik rin sa'yo ang tiwala ng bata

Magbasa pa
10mo ago

thanks po. soon po lilipat na kmi ng bahay hehe

Same situation tayo mi. Tho hindi naman ako nagseselos sa nag aalaga sa mga anak ko, pero andun yung konsensya na hindi mo nakakasama yung anak mo, nag iisip ka kung masama ka bang ina dahil hindi mo naalagaan yung anak mo, pero naiipit ka sa sitwasyon kasi kailangan mo magwork. Huhuhu in my case I have to fly to manila monthly basis para makasama sila kahit 2 days lang. Sobrang gastos pero yun lang magagawa ko.

Magbasa pa

Much better iopen up mo dun sa nag aalaga sa anak mo yung boundaries na want mo. Ika mo nga, nakain yung anak mo tas tinawag siya. Pede mo sabihan yung nag aalaga na 'next time na ganito ganyan, hayaan mo munang kumain yung bata bago yung ganito ganyan'. Kung magfufull time mom ka na din pala, bat ipapaalaga mo pa? So kung sakali mang ipaalis mo siya, learn to know your child.

Magbasa pa
9mo ago

at hindi ko po kayang pagsabihan sya kasi mas matanda sya saken. hindi kasi ako maprangka kaya ganon cguro.

Mi boy or girl anak mo? Alamin mo din bakit sobrang close ng anak mo sa nanay na yun. Mahirap na sa panahon ngayon. Working mom din ako pero pagka uwi ko, sakin din talaga ang punta ng anak ko at parang buntot na laging nakadikit sakin. Observe mo mi si baby mo bakit sobrang close niya sa taong yun.

Magbasa pa
10mo ago

girl po. naging close sila nung tao na yun kasi kapitbahay namin silang mag asawa, mapagmahal din kasi sya sa mga bata kaya nong umuwi ako 1month old pa lng baby ko kasi iniwan ko muna sya sa mga parents ko, pinaalaga ko muna kasi bumalik ako manila para sa work ko. cguro kasi natutuwa sila sa anak ko non kaya habang lumalaki anak ko naging close nila, hanggat sa inuuwi na sa bahay nila tas ibabalik lng pag medyo pagabi na. yung mama ko hinahayaan na lng kasi minsan pagod sa bahay. umuwi nako samin para ako naman mag alaga sa baby ko. habang kasama ko baby ko, andyan sila magpapakita at yung baby ko syempre sasama. di ko man lng nabibonding ang anak ko ng maayos kasi umeepal sila sa atensyon ng anak ko saken. ayun lng po nakakatampo lng kasi sana maisip nilang dumistansya muna kasi tagal din di ko nakasama anak ko. 🥲

mamsh, normal yan pag hindi ikaw ang nagpalaki. nakakakonsensya pero much better kung try to give up some of your workload para kay bb mo. once in a lifetime lang maging bata yan.

10mo ago

yes momsh. kaya nga kmi umuwi na ng husband ko para makasama na namin anak namin. turning 2 na sya this april. need lng sana nya medyo dumistansya para naman mapaamo ko na yung anak namin. sumama man loob nya kung lagi kong iniiwas anak ko sa kanya, sana maintindihan nya. di ko naman sa kanya pinaalaga anak ko eh, kundi sa parents ko lng. natuwa lng sya sa anak ko kaya feeling nya anak na turing nya sa anak namin. 🥲

VIP Member

ganyan ako nung bagong panganak ako dati hehe..para akong inahing manok ...pero nung tumagal nawala na din...