Breast Feeding And Formula Feeding At The Same Time

Hi mga momsh. First time mom here. 4 days pa lang baby ko. Ask ko if okay lang po ba na mag alternate feeding ako. Nagmamanual pumping lang kasi kami for breast milk ng baby ko and time consuming sya minsan ubos na kaya no choice kundi mag timpla, lalo na if nakukulangan pa si baby. And Anong best alternative po ba na brand for formula feeding. Bonna kasi ginagamit namin? Sana mapansin. Tia

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mommy hindi po adviseable ang pagpump kung kakapanganak pa lang. Try mo po hand express lang. Or much better kung direct latch para no need to wash bottles. And ang cons po kapag sa bote magkaka nipple confusion si lo. Hindi na yan dedede sayo kasi nasanay na sa chupon. Wag na din po mag formula. Breastmilk is best for babies, liquid gold po yan. Formula milk is considered junk food. Sa bawat 1oz na ititimpla mong fm 1oz din ang mawawla sa gatas mo. 😥☹ if mag aask po kyo ng magandang gatas para sa baby, wala na pong mas gaganda pa sa breastmilk nyo. Wala po sa kalingkingan ng gatas nyo ang kaht na anong formula milk. Kahit pinaka mahal pa. 💔

Magbasa pa
6y ago

Mommy, hindi na tlga sya dumedede sa akin, hinahanap na nya ang chupon. Tsaka inverted tlga kasi nipple ko the reason na I need pump. Formula Feeding po is kung nkulangan lng yung nai pump since ma trabaho sya at time consuming.