Pump

Mga momsh, eto lang nakuha ko within 15 mins, 2 sessions pa yan kasi mga after 7 or 8mins wala na talaga nilalabas. Sabi nila every 2 hours daw magpump, e every hour dumedede si baby, 3 months na po si baby. Pero kaninang umaga pag gising ko basa damit ng baby ko dahil tumagas ung gatas ko. Minsan tumutulo talaga sya. Nagtry na po ako ng mga malunggay caps, di effective sakin. Milo lang pampalakas ko ng gatas pero di pa din ata ganun kalakas. Effective ba yung fenugreek? Or anything po na ma aadvice nyo please. Thank youuuu!

Pump
29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, direct latch po ba si baby sayo? If yes, no need to worry po. Kase magkaiba ang output ng direct latch si baby kesa sa pagpa-pump. Sabi nyo po every 2hrs kayo nagpa-pump tas every 2hrs din nagdedede si baby. Normal po yun na wala ng output sa pumping kase nadede na po ni baby. Yun ay kung direct latch po ah. Tapos po hiyangan lang ang pump. Better to do the hand expression. Kahit na po direct latch ka pwede ka pa din makapag drain ng milk para as in nakuha talaga. Tska pag pump po kase pag di ka hiyang prone ka sa plugged ducts. Maaari kang magkaroon ng mastitis. Tska po advice lang, pag wala pa pong 6wks si baby kindly avoid pumping. Sabi nyo po eh tumutulo gatas nyo so basically enough yung milk nyo. Blessed ka nga dun e na tumutulo sya unlike sa iba na sakto lang talaga.

Magbasa pa