Baka maoverfeeding

Hello mga momsh baby ko kasi mag 1month palang baby ko sa Jan 16. Every iiyak sya gusto nyang dumede nakaka 1-3oz din sya isang dedehan may times na nasusuka nya yung gatas pati sa ilong may lumalabas na din. Masipag naman kami magpaburp kaso kahit ipaburp may times na ganun nangyayari. Kaya ginagawa ko di ko muna sya hinihiga karga ko lang sya. Wala naman syang popo hinahanap ko rin kung may nakakagat na langgam. Paano ko po macocontrol si Baby sa pagdede?

22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hindi po kasi sa lahat ng oras, gutom talaga sya. minsan gusto nya lang magsuck for comfort. ganyan din baby ko dati pero pinagpacifier ko at inorasan talaga ang pagdede kasi kung di maoverfeed, kabag naman. it worked naman po for my baby. nung newborn lang sya din talaga nagpacifier kasi nung mag 2 months na sya, ayaw nya na. niluluwa nya na.

Magbasa pa