Baka maoverfeeding
Hello mga momsh baby ko kasi mag 1month palang baby ko sa Jan 16. Every iiyak sya gusto nyang dumede nakaka 1-3oz din sya isang dedehan may times na nasusuka nya yung gatas pati sa ilong may lumalabas na din. Masipag naman kami magpaburp kaso kahit ipaburp may times na ganun nangyayari. Kaya ginagawa ko di ko muna sya hinihiga karga ko lang sya. Wala naman syang popo hinahanap ko rin kung may nakakagat na langgam. Paano ko po macocontrol si Baby sa pagdede?
Yung baby ko 2 months ganyan din gusto laging dede. Breastfeed naman ako kaya sabi okay lang kahit mayat maya. Laging nagsusupsop ng braso pag kargaπ
Kung nagsusuka, try mo siya iburp everytime makadede sya ng 1oz. then feed uli then burp then feed and burp. It works to my baby nung newborn sya.
Totoo ganyan din ginagawa ko sa baby ko kasi malakas dumede super.minsan sasabihin ng tita nagburp lang gutom agadπ .
Ganyan talaga yan momsh, dede lang ng dede si baby. Siguro mga 2-3 months less na yong pag dede niya. Parang di nabubusog eh. Hehehe
Ganyan din po ang baby ko,1 week po pero nkakaubos na ng 3oz na gatas..lakas po nya dumede,pero normal naman po poop nya..
Try mo ito sis, kapag nakalahati nya yung tinimpla nyo, ipaburp mo muna sya. Bago ipaubos. Tsaka try mo yung tsupon na slow flow.
Avent po gamit ko momsh yung pang newborn.
Bored lng po yan kaya iiyak khit 1 hr plng nkadede. Libangin nyo po isayaw mo mga 2 hrs sana. Masama po over feed.
Ganun po ba sigesige po. Maraming salamat po. ππ
there's no way. oks lang yan ganyan baby ko dati lumalagpas na sya sa tamang feeding table dumodoble pa
Hindi po kada iyak ni baby, gutom siya. Baka po gusto lang po ng yakap ng nanay.
Try mo pacifier sis baka ng hahanap lang siya ng madedede iiyak kahit busog sya.
pwedeng growth spurt, pwedeng gusto lang meron sa bibig nya. use pacifier
I am inlove with a child I haven't met yet