Masama ba laging karga si baby?

Since newborn till now na 6 months na sya madalas ko syang karga lang kasi ayaw nyang matagal nakalapag. Laging nag papa karga. Nakaka apekto po ba yun sa milestone ni baby like sa pag upo nya or matutong mag gapang at mag lakad ? Ang alam palang ng baby ko ngayon is umupo ng may support pero di rin sya tumatagal kasi nag papabuhat na sya agad. Dumapa pero di rin natagal kasi bumabalik sya sa pag tihaya. Okay lang bang karga sya ? Sakin wala naman problema lagi syang karga kasi sya lang inaasikaso ko. Worried lang ako baka masama sakanyang pag laki ang karga lagi. #advicepls #firstbaby #firsttimemom

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

okay lang po Yan mi may ganyan po talagang Bata iba iba din po development nila may late po o may mga advance, mga nakakatanda binabawal nila Yan pero mg pedia sinasabi okay lang daw iba iba din po ugali Ng mga baby mi, skin to skin contact maganda din sa baby yan. Minsan mga Bata din na raramdaman nila Yung love at comfort Ng magulang sa pamamagitan Ng karga, anak ko Nung new born sya sinasabi ganito ganyan panay ako karga paanong di kakargahin iiyak Ng iiyak kung di kakargahin, Sabi pa masasanay daw sa ganun, pero ngayon di na naman po okay naman din development nya, iba iba lang po talaga mga bata mi.

Magbasa pa
VIP Member

Hello. Okay lang naman kargahin lalo pa kapag nag-go-growth spurt. Pero sa ganyang age dapat naglalaro na siya ng nakadapa. At tinuturuan mo mag crawl. Like pahabulin mo sa laruan or sayo.