birth certificate
Hi mga momsh ? ask ko lng po kung wala po bang pirma ang daddy sa birth cert ni baby hndi ko ba pwdeng ipaapelyedo sa kanya? Kc po pagnanganak ako nsa barko pa po ang partner ko. Hndi pa po kame kasal. ?

Kailangan may pirma ng papa niya sa likod. Kapag wala matik, sayo apelido. Late register din ako kasi nasa barko pa si mister. Eto process ko... Need mo muna kumuha ng no record of birth sa PSA at city hall of manila (kung manila). Wala pang 200 pesos yung sa PSA, then 30pesos naman sa cityhall. Yung sa PSA nakukuha the same day, ung sa cityhall kinabuksan pa. Tapos kunin mo na lahat ng kailangan galing sa ospital, birthcert 3pcs (na may pirma na ng tatay), transmittal form 3pcs, certification 3pcs, AUSF 3pcs. Then kapag kumpleto na yan lahat, punta ka na ulit ng cityhall ipasa mo na yan lahat. 395 ang babayaran para sa process at AUSF. di ko nga alam bakit nagbayad pko para sa AUSF, eh meron naman na ako, binigay galing sa ospital. pero hinayaan ko nlang, para matapos na. Ayun pinaiwan na dun lahat ng requirements. Then pinag follow up na ako after wks. Hope it helps mommy.
Magbasa pa



Mama bear of 1 sweet little heart throb